No.2 sa Top 10 drug personalities ng NPD, timbog
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang pangalawa sa Top 10 drug per- sonalities ng Northern Police District matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Aisiah Kervin Ko, alyas Aivin Ko, (Watchlisted/Surrenderee), 32, ng No.149 9 th Avenue West Grace Park Brgy. 59.
Ayon kay District Drug Enforement Unit (DEEU) Chief P/Capt. Ramon Aquiatan Jr, nakatanggap sila ng maraming reklamo hinggil sa talamak na pagbebenta ng suspek ng illegal na droga sa kanyang mga parokyano sa Brgy. 63 at kalapit na mga barangay kaya’t isinailalim ito sa monitoring.
Nang makumpirma ang ulat, agad nagsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Aquiatan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Giovanni Hycenth Calaiao I ng buy-bust operation kontra sa suspek sa 111 Centro St., 9 th Ave. Brgy 63, dakong alas-9:30 ng gabi kung saan isang undercover police ang nagawang makabili kay Ko ng P12,000 halaga ng shabu. Kaagad dinamba ng mga operatiba si Ko matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu.
Nakumpiska sa suspek ang aabot sa105 gramo ng hinihinalang shabu na may stan- dard drug price P714,000.00, isang P1,000 bill na nakabugkos sa 11 pcs P1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at sling bag. (Richard Mesa)
-
100 pang frontliners sa Navotas, binakunahan ng AstraZeneca
Isa pang batch ng100 frontliners ng Navotas City Hospital (NCH) ang nakatanggap ng CoronaVac shot sa lungsod, nitong Martes. Sinaksihan ni Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 and testing czar, Sec. Vince Dizon, at DeparTment of Health-National Capital Region Director, Dr. Corazon Flores, ang vaccination sa Navotas Polytechnic College. […]
-
IATF, masusing pinag-aaralan ang posibilidad ng pagluluwag pa ng travel restrictions sa bansa
MASUSING pinag-aaralan ngayon ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad ng pagluluwag pa ng travel restrictions sa bansa. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na partikular nilang pinag-uusapan ang pagpayag sa non-essential trav- els mula sa mga turistang galing sa mga bansang may mababang kaso ng COVID-19. Aniya, […]
-
Misyon ng AFP nagbago sa gitna ng problema sa South China Sea
NAGBAGO na ang misyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kumplikadong sitwasyon sa South China Sea at matinding kumpetisyon ng “superpowers.” Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tropa ng Visayas Command sa Cebu, winika ng Pangulo na ang problema sa South China Sea p ang itinuturing na […]