• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 3 most wanted person ng Navotas, timbog sa Bataan

Isang puganti na nagtago nang halos sampung taon dahil sa pagpatay sa kanyang kapitbahay sa Navotas city ang tuluyan nang naaresto ng pulisya sa isang liblib na lugar sa probinsya ng Bataan.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Roberto Jiongco, Jr. alyas “Jeje”, 32, welder at residinte ng ibinigay niyang address sa Barangay Mountain View, Mariveles, Bataan.

 

 

Si Jiongco ay itinuturing na No. 3 Most Wanted Person ng Navotas matapos mapatay nito si Marlon Ramirez noong April 17, 2010 makaraang pagsasaksakin sa iba’t-ibang parte ng katawan habang naglalakad pauwi.

 

 

Isang warrant of arrest kontra sa akusado ang inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Zaldy Docena ng Branch 170 matapos siyang tumakas mula sa lungsod makaraan ang pagpatay.

 

 

Sinabi ni Col. Balasabas na ang pagkakaaresto kay Jiongco ay nresulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation na isinagawa ng mga operatiba ng Intelligence Unit sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr.

 

 

Nadakip si Jiongco ng mga tauhan ng Navotas police sa Rodriguez St. Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan dakong 3:30 ng hapon. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM itinalaga si Magno bilang MinDA chair

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Assistant for Eastern Mindanao Leo Tereso Abellera Magno bilang bagong chairman ng Mindanao Development Authority (MinDA).     Pinalitan ni Magno si Chairman Maria Belen Sunga Acosta.     Gayunman tumanggi naman si Acosta na iwan ang kanyang posisyon sa kabila ng pagpapalit ng liderato.     […]

  • Tolentino ipapasok ang esports sa SEAG

    KAPIT-KAMAY sina Philippine Olympic Committee (POC) President at  Cavite Seventh District Rep. Abraham Tolentino at National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) President Ramon Suzara sa pagla-lobby sa Vietnam para manatili ang  esports sa 31st Southeast Asian Games 2021.   Ito ay matapos makahanap ng mapuwersang kaalyado ang POC sa pamamagitan ng Asian Electronic Sports Federation […]

  • SSS may condonation program sa mga employer

    NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga emplo­yers na bigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa nagdaang buwan at taon na samantalahin ang contribution penalty condonation programs para maayos ang kanilang obligasyon.     Kaugnay nito, hinikayat ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga delinquent employers na ayusin […]