No. 40 top most wanted person ng PRO 3, nabitag ng NPD sa Valenzuela
- Published on November 17, 2022
- by @peoplesbalita
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, residente ng Brgy. Bignay, Valenzuela City.
Sa report ni Labalan kay NPD Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Penones, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon mula sa NDIT-RIU, NCR na naispatan ang presensiya ng akusado sa North Ville 1, Brgy. Bignay kaya nagsagawa sila ng validation sa naturang lugar.
Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PCPT Melito Pabon, kasama ang mga operatiba ng CIDG-DSOU, NDIT-RIU, NCR, 303rd MC, RMFB3 Intelligence Section ng joint manhunt operation, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay dakong alas-4:30 ng hapon.
Ani Pabon, si Clemente ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Nelson A Tribiana ng Regional Trial Court (RTC) Branch 37, Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija, para s kasong Robbery. (Richard Mesa)
-
Duterte binigyan na si Avisado ng otoridad para sa release ng Bayanihan 2 funds
KINUMPIRMA ng MalacaƱang na binigyan na ng delegated authority ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Sec. Wendel Avisado na ilabas na ang P51 billion pondo sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2). Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mailalabas ang pondo ngayong araw at hindi na ito dadaan sa Office of the […]
-
PDu30, inaprubahan na ang pagpapalabas ng gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa pamahalaan
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas ng gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang serbisyo ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa ilalim ng Administrative Order No. 38, mabibigyan ang mga contractual at job order workers sa gobyerno ng one-time […]
-
7.4 magnitude na lindol yumanig sa Surigao del Sur
PATAY ang isang ina habang sugatan naman ang mister nito at anak sa Tagum City, Davao del Norte matapos ang magnitude 7.4 lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur Sabado ng gabi. Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Joy Gemarino ng Brgy. La Filipina Tagum City, Davao del Norte na […]