‘No window hours’ sa number coding, ‘fake news’ – MMDA
- Published on August 27, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na walang katotohanan ang kumakalat na larawan na nagsasabing may bagong iskedyul sa umiiral na Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila.
Sa post ng MMDA sa kanilang Facebook page, sinabi nito na maling impormasyon ang kumakalat na mula alas 7:00 ng umaga am hanggang alas 7:00 ng gabi iiral ang number coding at wala nang window hours sa mga piling lansangan sa Metro Manila.
Nilinaw ng MMDA na walang pagbabago sa pinaiiral ng expanded number coding scheme na mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi, na iiral mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.
Ang window hours ay kung saan maaari bumiyahe ang mga sasakyan na sakop ng coding sa window hours sa pagitan ng alas-10:01 ng umaga hanggang alas-4:59 ng hapon at mula alas-8:01 hanggang 6:59 ng umaga ng susunod na araw.
Umapela ang MMDA na pigilan ang pagkalat ng mga ganitong mensahe na dulot ay panic at kalituhan sa publiko. Huwag basta i-share ang natanggap sa social media. Suriing mabuti ang mga impormasyon na lumalabas sa social media upang hindi maging biktima ng pekeng balita.
-
Campaign period, sinimulan sa proclamation rally
OPISYAL nang nagsimula ang bakbakan ng anim na indibidwal na tumatakbo sa national positions sa halalan. Sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, kanya-kanya nang paandar sa kani-kanilang proclamation rally bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng campaign period ang anim na presidentiables. Sa katunayan, sa unang araw ng pangangampanya, kanya-kanyang […]
-
‘Godzilla vs. Kong’ Passes $100 Million At Domestic Box, Beating ‘Wonder Woman 1984’ Record
GODZILLA vs. Kong officially becomes the second movie to earn $100 million at the domestic box office since the coronavirus pandemic began. After almost three months it was released in theaters, Godzilla vs. Kong crosses the $100 million mark at the domestic box office, according to screenrant.com. Due to the coronavirus pandemic, the […]
-
NBA legend Michael Jordan nagbigay ng $2-M donasyon para sa mga walang makain sa US
Nagbigay ng $2 million na donasyon si NBA legend Michael Jordan para mapakain ang mga mahihirap sa US. Ayon sa relief outfit na Feeding America, na hindi nagdalawang isip ang dating Chicago Bulls star na magbigay ng nasabing halaga. Sinabi naman ni 14-time NBA All-Star, na mahalaga ang magbigay ng tulong lalo na […]