• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nora, Nadine at Maricel, hindi pinalad mapili: Movie nina VILMA-BOYET, EUGENE-POKWANG at PIOLO, pasok sa final six ng ‘MMFF 2023’

na nga ang Selection Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) para makumpleto ang mga entries para sa taunang film festival.

 

At dahil nga sa umaapaw na 30 finished films na pinadala para ma-review at mapasama sa mga entries, nagdesisyon ng komite na sa halip na apat ay ginawang anim na ang pelikulang pipiliin, matapos ng matindi nilang deliberation.
Kahapon, Oct. 17, sa Facebook page ng MMFF, inanunsiyo nina Selection Committee heads Jesse Ejercito, Chair Romando Artes, Atty. Rochelle Ona, at spoeksperson Noel Ferrer ang final six films na bubuo sa Magic 10 ng filmfest.

 

Ang pagpili ay base sa mga sumusunod na criteria: Artistic Excellence – 40%, Commercial Appeal – 40%, Filipino Cultural Values – 10% at Global Appeal – 10%.

 

Narito ang mga pelikulang nakalusot sa panlasa ng komite ayon sa pagkakasunud-sunod ng pagbanggit:

 

When I Met You In Tokyo – Starring Vilma Santos and Christopher de Leon; Director: Rado Peru (JG Productions Incorporated)

 

Becky & Badette – Starring Eugene Domingo and Pokwang; Director: Jun Robles Lana (The IdeaFirst Company)

 

Mallari – Starring: Piolo Pascual and Janella Salvador; Director: Derick Cabrido (Mentorque Productions)

 

Firefly – Starring: Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Yayo Aguila, Cherry Pie Picache, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, Epy Quizon, with the special participation of Dingdong Dantes; Director: Zig Dulay (GMA Pictures and GMA Public Affairs)

 

Broken Heart’s Trip – Starring Christian Bables and Jaclyn Jose; Director: Lex Bonife (BMC Films)

 

GomBurZa – Starring: Dante Rivero, Cedric Juan, Enchong Dee, with the special participation of Piolo Pascual; Director: Pepe Diokno (JesCom Films, etc.).

 

 

Matatandaan naman na noong July 10, 2023, in-announce ang first four films na based on script submission:

 

Family of Two (A Mother’s Son Story) – Starring Sharon Cuneta and Alden Richards, Director: Nuel Naval (Cineko Productions, Inc.)

 

(K)Ampon – Starring Beauty Gonzalez and Derek Ramsay; Director: King Palisoc (Quantum Films)

 

Penduko – Starring Cristine Reyes and Matteo Guidicelli; Director – Jason Paul Laxamana (Viva Films, etc.)

 

Rewind – Starring Marian Rivera and Dingdong Dantes; Director: Mae Cruz-Alviar (Star Cinema, etc.)

 

 

Ang ika-49 na edisyon ng MMFF ay magsisimula sa December 25, 2023 at magtatapos sa January 7, 2024.

 

 

Ang inaabangan na Parade of Stars ay gaganapin sa CaMaNaVa, at ang Gabi Ng Parangal naman ay gaganapin sa December 27, 2023.

 

 

Suportahan natin ang Pelikulang Pilipino sa darating na Kapaskuhan.

 

 

***

 

 

TIYAK na nalungkot naman ang mga tagahanga ng National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor dahil ‘di nakapasok sa final six ng MMFF 2023 ng ‘Pieta’ na kung saan kasama niya sina Jaclyn Jose, Gina Alajar at Alfred Vargas.

 

 

‘Di rin pinalad ang drama film nina Maricel Soriano, LA Santos at Roderick Paulate na ‘In His Mother’s Eye’, dahil ay ang nagwagi ay ang romcom movie nina Vilma Santos.

 

 

Sa horror/thriller movie, laglag sa listahan ang ‘Nokturno’ ni Nadine Lustre na waging Best Actress last year para sa ‘Deleter’ at ang ‘Shake, Rattle and Rolle EXTREME’ ng Regal Films, dahil nakapasok ang ‘Mallari’ ni Papa P.

 

 

Hindi kasi puwede lumampas sa 2 films sa bawat genre.

 

 

Sa totoo lang, marami pang movie ang umaasam na mapipiling entry sa MMFF, pero sa rami nga nag-submit ng finished movies, marami rin ang hindi papalarin.

 

 

At sa 24 films na hindi na napili, puwede naman silang maghintay ng Summer Film Festival o ipalabas na sa November, bago mag-Pasko o pagkatapos ng filmfest.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021

    TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021.   Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.   “Ang ginawa […]

  • ‘Top Gun: Maverick’ Expected to Surpass Titanic’s Domestic Box Office Record

    TOP Gun: Maverick is likely to become the seventh biggest film ever at the domestic box office, a record currently held by Titanic.     Top Gun: Maverick premiered this May and has been screening in theaters ever since. It’s the sequel to the original Top Gun (1986), also starring Tom Cruise and Val Kilmer, […]

  • Mister timbog sa baril at P578K shabu sa Caloocan

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang hinihinalang tulak ng illegal na dorga matapos makuhanan ng baril at mahigit P.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Fahad […]