• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NORA, pasok sa list ng ‘Most Awarded Musicians of All Time’ na kung saan Number 1 si MICHAEL JACKSON

NAKATUTUWA namang malaman na ang aming idol na si Ms. Nora Aunor ay pasok sa listahan ng Most Awarded Musicians of All Time.

 

 

Nasa number 26 sa listahan ang nag-iisang Superstar.  Ang iba pang singer na may dugong Pinoy na pasok sa listahan ay sina Bruno Mars who ranked 35th at si Enrique Iglesias na nasa number 50.

 

 

Number 1 sa listahan yumaong king of pop na si Michael Jackson.

 

 

Ate Guy is definitely in good company.

 

 

Ang listahan ay makikita sa The Artist Museum at Michael Jackson Twitter Account.

 

 

Congrats Ate Guy!

 

 

      ***

 

 

EXCITED si Jamie Rivera sa pagbabalik niya sa live concert performance via Live and Light na gagawin sa Newport Performance Theater on April 30.

 

 

It’s been two years since huli siyang nag-perform before a live na, incidentally, Love and Light din ang title. Pero it was a Valentine show.

 

 

What excites her more sa upcoming show ay makakasama ang opm legend at hitmaker na si Basil Valdez.

 

 

Kuwento ni Jamie sa presscon ng Love and Light na ginawa sa Resorts World Manila, bata pa siya ay idol na niya si Basil.

 

 

Ang dream nga when she was starting her career ay maging female Basil Valdez.

 

 

For Jamie, doing this concert is a celebration.   “We should be thankful we all survived the pandemic and we are still alive,” wika pa singer na tinawag na Inspirational Diva.

 

 

Mostly inspirational songs daw ang repertoire niya sa concert.  Ito raw ang kailangan natin sa panahong ito, sabi pa no Jamie.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • TNT Tropang Giga tatapusin na ang SMB

    ANG pagsasara sa isang serye ang pinakamahirap gawin, ayon kay nine-time PBA champion coach Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga.     “I’ve always said it. The hardest game to win is the fourth game. So we have no illusions about it,” sabi ni Reyes sa pagsagupa ng Tropang Giga sa San Miguel Beermen […]

  • Statham nagpatala sa Draft

    NAGPALISTA na sa para sa darating na Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 ang Filipino-American at dating National Basketball Association (NBA) G League player na si Taylor Statham.     Sa tweet nitong isang araw idinaan ng 6-foot-6  foward ang pagpasok sa Online Draft na nakatakdang gaganapin sa darating na Marso 14.   […]

  • MALAKI ang pasasalamat ni Ivorian cager Kakou Ange Franck Williams Kouame sa paghirang sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) upang magsilbing naturalized player ng national men’s basketball team o Gilas Pilipinas.     Inaprubahan sa nakalipas na linggo sa isang online forum sa pangunguna ni committee chairman Sen. Richard Gordon ang Senate […]