• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NPC, sinimulan na ang imbestigasyon sa text scams na kasama na ang buong pangalan ng receiver sa mensahe

SINIMULAN na ng National Privacy Commission (NPC) ang imbestigasyon sa lumalalang  text scams na naglalaman na ngayon ng  pangalan ng subscriber.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni  NPC Commissioner John Henry Naga na mahigpit na minomonitor ng kanilang ahensiya ang  “the proliferation of unsolicited text messages,”  tiniyak sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang NPC sa mga  key stakeholders para labanan ang  nasabing  fraudulent activity.

 

 

Bukod pa rito, nakipagpulong na aniya sila sa telco players kung saan nangako aniya ang mga ito na paiigtingin ang kakayahan kabilang na ang technological at security safeguards,  kontra scammers.

 

 

“We are also in coordination with the National Telecommunications Commission (NTC) to share information and conduct concerted actions to the full extent of our respective mandates,” ani Naga.

 

 

Bilang bahagi pa rin aniya ng ‘awareness initiatives’ ng ahensiya, magkakaroon aniya ng  public webinar sa susunod na linggo, Setyembre 7 kung saan tatalakayin ang  panganib  at pinsala kapag natanggap ang text messages, at maging ang “best practices” para protektahan ang users.

 

 

Nauna rito,  dahil sa mas nagiging creative ang mga text scammer ngayon ay kaagad na  inatasan ng NTC ang mga telecommunications company sa bansa na magsagawa ng text blast para balaan ang publiko.

 

 

Ilan sa mga ito ay mga text message patungkol sa pekeng trabaho, lucky winner, at iba pang money scams.

 

 

At ang pinakabago ay ang personalized na mga text scam kung saan nakalagay mismo ang pangalan ng recipient.

 

 

Kaya naman si NTC  Commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan ang telcos kabilang ang DITO Telecom, Globe at Smart na simula August 31 hanggang September 6 dapat magpadala ng text blast ang mga ito sa kanilang subscribers.

 

 

Partikular na nakalagay rito ang mensahe na “Huwag pong maniwala sa text na naglalaman ng inyong pangalan at nang-aalok ng trabaho, pabuya o pera, ito po ay scam”.

 

 

Nakasaad pa sa kautusan ni Cordoba ang pag-block sa SIM cards na ginagamit sa mga scam.

 

 

Inatasan din ang lahat ng regional directors at mga officer-in-charge ng NTC na palawakin ang information campaign laban sa mga bagong variant ng scam gaya ng pekeng trabaho at iba pa.

Other News
  • IWAS COVID-19

    PANDEMIC na ang COVID-19, sambit ng World Health Organization (WHO) na ibig sabihin ay mala-king bahagi na ng daigdig ang kinalatan ng virus.   Maging ang Switzerland at Austria na masyadong mahigpit sa pagbabantay para hindi makapasok ang virus ay mayroon nang tig-isang kaso. Maski sa Middle East ay nakapasok na ang COVID-19 ma-karaang may […]

  • ‘Expanded’ travel ban vs 20 bansang may bagong COVID variant, ipatutupad ng PH – Duque

    Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na manggagaling sa 20 bansang nakapagtala na ng bagong variant ng COVID-19.   Ayon kay Duque, epektibo ang expanded travel ban simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 at tatagal hanggang Enero 15, 2021.   Ang mga bansang […]

  • Ayon sa obserbasyon ng mga netizen: Cryptic post ni KYLIE sa pagiging ‘great leader’, patama raw kay ALJUR

    HULA ng netizens ay pinatatamaan ni Kylie Padilla ang kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica sa kanyang viral cryptic post sa Facebook noong October 7.     After kasing mag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) si Aljur para tumakbo bilang councilor sa Angeles, Pampanga ay naglabas ng kanyang opinyon si Kylie sa mga katangian […]