• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NTC, pinag-aaralan ang legalidad ng deactivation ng ilang internet services sa mga unregistered SIM cards

INIHAYAG ng National Telecommunications Commission (NTC), na kasalukuyang nakikipagtulungan ito sa mga telecommunication companies upang tingnan ang legalidad ng panukalang i-deactivate ang ilang application at serbisyo ng mobile phone para sa mga user na ang mga SIM ay nananatiling hindi nakarehistro sa panahon ng 90-day na extension.

 

 

Ayon kay NTC deputy commissioner Jon Paulo Salvahan, pinag-aaralan na nila kung legal at technical itong magagawa at kung may sapat na oras upang ipatupad ang nasabing internet services deactivation sa mga unregistered SIM.

 

 

Kung matatandaan, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na tinatalakay ng ahensya sa mga telcos ang posibilidad na limitahan ang pag-access ng mga hindi rehistradong subscriber sa ilang aplikasyon at serbisyo sa social media sa loob ng 90 araw upang maranasan ng mga mamimili ang kahihinatnan ng hindi pagrehistro ng kanilang mga numero.

 

 

Sinabi ni Salvahan na maaaring maglabas ng pinal na pag-aaral o resolusyon sa usapin ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo.

 

 

Kung maaprubahan, ang telcos ang mananagot sa pag-deactivate ng mga app o ilang serbisyo para sa kanilang mga subscriber na may mga hindi rehistradong SIM. (Daris Jose)

Other News
  • Donasyong COVID-19 vaccine ng China, depende na sa DOH – FDA

    Ipinauubaya na ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) kung gagamitin ang mga donasyong bakuna ng China kahit na wala pa itong Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director-General Usec. Eric Domingo, sang-ayon sa batas hindi namang ipinagbabawal ang pagtanggap ng gobyerno […]

  • P43/kilo ng bigas, ibebenta na sa Kadiwa sites

    SIMULA Oktubre 11 ay magbebenta na ng mas mababang presyo ng bigas na P43 kada kilo ang mga Kadiwa sites sa bansa.     Ito, ayon sa National Food Authority (NFA) ay batay sa ilalim ng Rice for All program ng pamahalaan.   Ayon sa NFA, ang naturang presyo ay mas mababa kumpara sa P45 […]

  • Roger Federer, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes

    Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon.   Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo.   Sumegunda […]