NTC sa publiko: Huwag i-click ang links, magbigay ng personal data sa mga natatanggap na spam messages
- Published on November 27, 2021
- by @peoplesbalita
Pinag-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko sa mga natatanggap na spam messages.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgar Cabarrios, huwag na dapat buksan pa ang link na nakapaloob sa spam messages na ito.
Bukod dito, hindi rin dapat magbigay ng personal data ang sinuman sa mga links na kanilang matatanggap.
Sa ngayon, sinabi ni Cabarrios na inaatasan na nila ang mga telecommunications companies na magpadala ng advisories sa kanilang mga subscribers na huwag paniwalaan at pansinin pa ang spam messages na kanilang matatanggap mula sa mga hindi kilalang numero.
Magugunita na sa mga nakalipas na linggo ay usap-usapan ang pagdami ng mga spam messages na natatanggap ng publiko na nag-aalok ng trabaho na may malaking pasahod.
Nauna nang sinabi ng National Privacy Commission na kanilang natukoy na nagmula sa international syndicates ang naturang mga spam messages gamit ang mga prepaid numbers. (Daris Jose)
-
Clinical trial ng lagundi kontra COVID-19 sinimulan na – DOST
NAGSIMULA na ang clinical trial ng lagundi na maaaring maging gamot kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon sa Department of Science and Technology (DOST). ‘Yung sa lagundi po, ito po ay nagsisimula na,” ani DOST Philippine Council for Health Research Development executive director Dr. Jaime Montoya. “Nakapag-screen na sila ng mahigit 150 na pasyente. […]
-
P2.7 milyon halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa Navotas
Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Crisanto Lazaro, 39 ng 300 Roldan St.Brgy. Tangos South. […]
-
Castro sumapi sa 8K pts club
NAGING pang-anim na aktibong player sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga na pumukolng 8,000 career points si Jayson Castro William ng Talk ‘N Text. Ipinahayag nitong Martes ni professional league chief statis- tician Fidel Mangonon III, na ang […]