NTF, pupunta ng Basilan, iba pang BARMM areas para bilisan ang vax drive — adviser
- Published on February 18, 2022
- by @peoplesbalita
PUPUNTA ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para taasan ang COVID-19 vaccination drive sa rehiyon.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa na inanunsyo ni NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakda silang bumisita sa BARMM para alamin kung bakit mabagal pa rin ang progreso ng pagbabakuna sa nasabing lugar at hikayatin ang mga residente na magpabakuna.
“Marami-rami na rin ang ating mga lalawigan na umabot sa 70% vaccination rate of their target, ‘yun ang good news. Of course, may mga lugar na mababa pa. Siyempre, titignan natin at aaanalisa kung pano natin mapapabilis pa at mabibigyan ng bakuna ang ating mamamayan doon,” ayon kay Herbosa.
Habang maraming lugar ang naabot na ang 70% vaccinated population, sinabi ni Herbosa na pag-aaralan pa rin nila kung paano pabibilisin ang inoculation drive sa mga lugar na mayroong mababang vaccination rate, partikular na sa Mindanao region.
Sa kabilang dako, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang BARMM ang may “pinakamababang” vaccination rate sa lahat ng rehiyon sa bansa kaya’t dito magpo-pokus ang pamahalaan sa panahon ng extension ng third wave ng mass vaccination drive nito.
Ang Bayanihan, Bakunahan III, ay orihinal na itinakda mula Pebrero 10 hanggang 11, ay na-extend ng hanggang Pebrero 18.
Ani Herbosa, isa sa problemang kanyang nakikita kung bakit mabagal ang pagbabakuna sa Mindanao region ay dahil ang komunidad doon ay may duda kung ang bakuna ay “halal or lawful.”
“Nag-announce na ang national commission ng Muslim affairs na aprubado naman ‘to at hindi haram ang ating mga bakuna at wala namang galing sa mga animals. Most of the vaccines we got come from plant products, so hindi siya totoo na haram siya,” paliwanag ni Año.
“Ang sabi ng ating mga Muslim leaders, basta for public good, ‘yan ay halal,” dagdag ng Kalihim.
Upang hikayatin ang Muslim community na magpabakuna, sinabi ni Herbosa na ang communication and information campaign ng pamahalaan ay kailangan na paigtingin sa BARMM gaya ng ginawa sa National Capital Region (NCR).
Isa pang balakid aniya ay ang mga vaccination sites sa mga lugar ay hindi “accessible” sa publiko hindi kagaya sa Kalakhang Maynila.
“Gagawan natin ng solusyon ‘yan. Magkakaron ng paraan para mapalapit natin lalo ‘yung mga vaccination centers. ‘Yung ibang probinsya nga, naggawa na ng tinatawag na barangay by barangay na ang kanilang pagbabakuna para dalhin ang bakuna talaga malapit sa ating mga kababayan,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Rafael Nadal binigo ni Zandschulp sa Davis Cup
NABIGO si Spanish tennis star Rafael Nadal sa huling professional match nito sa Davis Cup. Tinalo siya ni Botic van de Zandschulp mula sa Netherlands sa score na 6-4, 6-4. Ang 38-anyos na si Nadal ay nag-anunsiyo na siya ay magreretiro kapag natapos na ang Davis Cup. Ito lamang […]
-
Gobyerno, hindi iiwanan ang mga taong apektado ng Bulkang Kanlaon-PBBM
“NANDITO po ang inyong pamahalaan na handang tumulong sa inyo”. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayan na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. “Kung gaano man katindi ang bangis ng bulkang ito, ganun din ang kalinga na aming ipapaabot,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo. […]
-
Nagustuhan niya ang pagiging totoo ng aktres: MARIAN, inihalintulad ni CHRISTIAN kay KIRAY
NAKAKAALIW ang interview ni Nelson Canlas kay Christian Antolin, ang content creator na aktor na ngayon na alaga ng kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle Management. Nasa cast ng ‘My Guardian Alien’ si Christian at sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast ay nagkuwento si Christian, na gumaganap bilang si Sputnik sa […]