• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NU undefeated pa rin sa Men’s Volleyball

Matapos ibagsak ang unang dalawang set, bumalik ang National University Bulldogs para manatiling walang talo sa UAAP Season 85 Men’s Volleyball Tournament, 22-25, 22-25, 25-14 25-22, 15-6, laban sa University of the East noong Linggo sa PhilSports Arena.

 

Si Congolese rookie Obed Mukaba ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa walong pag-atake, siyam na block, at isang service ace para sa NU, na ngayon ay nasa 5-0.

 

“I’m very thankful na kahit down kami ng two sets, we still managed to win. Credit also goes to my players who, despite encountering some issues with their performance on the court, were able to bounce back,” ani NU coach Dante Alinsunurin, na ang koponan ay nakagawa ng napakalaking 38 errors.

 

Sa paghabol ng apat na puntos sa pambungad na frame, 14-18, ang Red Warriors ay nagpasiklab ng 6-1 rally upang ibahin ang takbo ng laro at makakuha ng manipis na isang puntos na kalamangan matapos ang isang service ace mula sa team captain na si Ralph Ryan Imperial.

 

Si Kenneth Roi Culabat ay nagpako ng back-to-back off-the-block hits para selyuhan ang unang set para sa Sampaloc-based squad.

 

Nagsagawa ang UE ng panibagong come-from-behind win sa ikalawang set sa likod nina Lloyd Josafat at Imperial.

 

Ang three-peat-seeking NU ay nabuhay sa ikatlong frame at nakagawa ng 8-3 cushion matapos ang crosscourt attack ni Leo Aringo Jr.

 

Pinamunuan ang Bulldogs ni  Alinsunurin na nagtala ng 14 na atake sa ikatlong set kumpara sa anim ng Red Warriors upang palawigin ang laban.

 

 

Sa kanilang malinis na rekord, ang Bulldogs ay humiwalay sa huli sa ika-apat na set, kung saan umiskor si Mukaba ng back-to-back kills upang pilitin ang isang deciding set.

 

Tinapakan ng NU ang gas pedal sa fifth set para kumpletuhin ang reverse sweep at palawigin ang kanilang winning streak sa 23 laro, mula pa noong Season 81.

 

Umakyat ang Red Warriors sa 2-2 matapos ang dalawang sunod na pagkatalo at  susubukang makabangon laban sa FEU Tamaraws sa Miyerkules.

 

Sa kabilang banda, sisikapin ng NU na mapanatili ang walang kapintasan nitong rekord sa pagsagupa nila sa DLSU Green Spikers sa susunod na Sabado. (CARD)

Other News
  • ANJO, na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic

    KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Anjo Damiles na na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic.     Ayon kay Anjo: “Ang hirap i-explain when it comes to mental health… suddenly it breaks you down. May point ako na nag-snap na lang po ako. Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to […]

  • EPY, tinanggihan ang P30 million para gamitin sa pangangampanya ang kanyang advocacy song na ‘Lukso ng Dugo’

    BALIK sa kanyang short hair ang Kapuso actor na si Mike Tan para sa teleserye na Love. Die. Repeat with Jennylyn Mercado and Xian Lim.     Bago raw siya nag-quarantine para sa naturang teleserye, pinagupit na niya ang long hair niya na pinahaba niya for one year simula nung magkaroon ng pandemya.   Ayon […]

  • Gobyerno, naghahanda para sa epekto ng El Niño sa food security, inflation – NEDA

    TINIYAK ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa publiko na gumagawa na ng hakbang ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pagaanin ang posibleng negatibong epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.     Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon,  na ang epekto ng  long-dry spell  ngayong taon, partikular na sa inflation, […]