Number coding pinag-aaralang palawakin sa Alert Level 1
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalawak sa number coding scheme sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa oras na ipatupad na ang Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR).
Ito ang inihayag ni MMDA Officer-in-Charge at General Manager Atty. Romando Artes matapos nga ang ginawang rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ilagay na sa Alert Level 1 ang rehiyon.
Gayunman, sakaling aprubahan, ang expanded number coding anya, ay hindi kaagad-agad paiiralin sa simula ng pagpapatupad ng Alert Level 1.
Una aniyang, pag-aaralan ang epekto sa mga unang araw kung ano ang magiging sitwasyon ng trapiko at kabilang sa ikinukonsidera ang kakulangan pa ng public transportation na posibleng magpahirap sa publiko sakaling maluwag na ang galawan sa Metro Manila.
“We are expecting that once Metro Manila is de-escalated to Alert Level 1, the traffic situation will be heavier…Right now, we are already seeing that the traffic situation on some roads is slow to moderate, but there are certain times where the situation is like this,”ani Artes.
“We are studying to widen the coverage of our modified number coding scheme from 7am to 9am. I have met with the district heads of our Traffic Discipline Office. Based on their assessment, from 10am-5pm, light traffic situation is observed on major thoroughfares,” ani Artes.
Sa kasalukuyan, umiiral lang ang number coding tuwing weekdays sa tuwing alas 5:00 ng hapon at hanggang alas 8:00 ng gabi, maliban sa holidays, para sa mga pribadong sasakyan. (Gene Adsuara)
-
CLOE, pinuri ni Direk JOEL dahil parang hindi baguhan sa pag-arte
BIDANG-BIDA na si Cloe Barreto sa launching film niya na Silab mula sa 3:16 Productions. Kung may isang bagay na hindi malilimutan si Cloe sa shoot ng Silab, ito ay ang bonding nila ni Direk Joel Lamangan. “Sobrang saya sa set naming. Habang nagtratrabaho kami, nagbo-bonding din kami,” wika ni Cloe […]
-
14 KABABAIHAN NASAGIP, 4 ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING
NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation- Special Task Force (NBI-STF) ang 14 kababaihan at arestado naman ang apat na indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Lipa City Batangas . Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga naarestong suspek na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, […]
-
Philippine border hinigpitan na vs ‘monkeypox’
PINAIGTING na ang border control measures sa bansa sa gitna ng banta ng “monkeypox” virus. “We have instructed the BOQ (Bureau of Quarantine) to intensify its surveillance of passengers coming from countries with known cases of monkeypox — mainly from central and west Africa,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III. […]