• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OA SA PANIC-BUYING

KALAT nasocial media ang mga insidente ng panic- buying kung saan nagkakaubusan na raw ng suplay ng alcohol, hand sanitizer, tissue, face mask at iba pa sa gitna ng outbreak ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Kaugnay nito, agad na umapela ang gobyerno sa publiko na iwasan ang pagse-share ng mga hindi beripikadong impormasyon dahil magdudulot lamang ito ng panic.

 

Tiniyak din ng Department of Trade and Industry (DTI) sa taumbayan na hindi kailangang mag-hoard ng alcohol dahil hindi naman nagkaroon ng production stoppage sa mga ito.

 

Anila, mauubos ang pera ng mamimili, pero hindi ang suplay ng alcohol. Kaya mamili lang ng kailangan para sa isang linggo o pinakamatagal na ang isang buwan.

 

Pinayuhan na rin ang mga supermarket na limitahan ang pag-display ng mga produkto para hindi mag-hoard ang mga mamimili, pero huwag sanang hayaan na may mabakanteng estante dahil dito nagsisimula ang maling akala, tipong ‘pag nakita ng mga mamimili na wala nang display, iisipin nilang wala nang stock na nauuwi na sa panic.

 

Isa pang epekto ng panic-buying ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga abusado at sugapa sa pera na pagkakitaan ang sitwasyon. Magho-hoard saka ibebenta sa mas mataas na presyo sabay tatakutin ang buyer na kesyo lalo pang magmamahal hanggang sa wala nang mabili, ang tindi n’yo po.

 

Kaya ngayong nagbigay naman ng garantiya ang DTI na sapat ang suplay sa merkado ng essential items, huwag nang mag-panic. Huwag nang magpaloko sa mga nag-aalok ng alcohol sa hindi makatarungang halaga.

 

Try kaya nilang ipaligo hanggang sa luminis ang kanilang konsensiya? Tablan sana. Panawagan naman natin sa kinauukulan, turuan ng leksiyon ang mga mapagsamantala. Tuwing may problema sa bansa ay nakikisabay din sila na para bang nakakakita ng oportunidad para makapanlamang ng kapwa. Mahiya naman kayo!

Other News
  • Pinag-uusapan ang kissing scenes sa ‘Unbreak My Heart’: JOSHUA, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala nina GABBI at JODI

    SA guesting ni Joshua Garcia sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, ikinuwento ng Kapamilya actor kung papaano nila pinaghandaan ni Jodi Sta. Maria ang kanilang torrid kissing scenes sa inaabangang drama series na “Unbreak My Heart” na first-ever collaboration ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment at Viu.     Hindi naman first time na […]

  • Kailangan maging tapat sa nararamdaman: WILBERT at YUKII, magkasundo na ‘bestfriend’ ang perfect partner

    NAKASASABIK pero nakakakaba ang pinagdaraanan ngayon nina Angge (Yukii Takahashi) at Bryce (Wilbert Ross), mga bida sa serye ng Puregold Channel, na “Ang Lalaki sa Likod ng Profile”.     Isipin mo: nakalutang ka sa ulap, inaalala ang nakaw na tingin at tawanan ninyo ng espesyal mong kaibigan, at dama mong mayroong potensyal na relasyong […]

  • Nagbigay ng update sa career sa US: Fil-Can na si MIKEY, binalitang tapos na ang first-ever Hollywood movie

    BINALITA ng Filipino-Canadian singer-comedian na si Mikey Bustos na katatapos lang niya sa shooting ng kanyang first-ever Hollywood project.       Sa kanyang IG, nagbigay ng update si Mikey sa kanyang career ngayon sa US, pero hindi niya muna binanggit kung ano ang project na kanyang natapos…       “It’s a wrap! Wrapped […]