• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena kumpiyansa sa tsansa sa Olympic gold

Habang lumalapit ang mga araw para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan ay pataas nang pataas ang kumpiyansa ni national pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

“I think that I have the best chances than all that I have had all throughout the years,” sabi ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa kanyang pagtarget sa kauna-una­hang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

 

 

Bukod kay Obiena, ang tatlo pang Pinoy athletes na mayroon nang tiket para sa 2021 Olympics ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

 

 

Bilang preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics, idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, ay ilang malala­king pole vault competitions ang sinabakan ng 6-foot-2 na si Obiena.

 

 

Nilundag ni Obiena ang gold medal sa Interna­tionales Stadionfest Indoors sa Berlin, Germany mula sa kanyang 5.80-metro para ilista ang bagong Philippine indoor record.

 

 

Sinikwat din ng 25-an­yos na pole vaulter ang gintong medalya sa PSD Bank Indoor Meeting mula sa kanyang 5.65m sa Dortmund sa Germany.

 

 

Matapos talunin ang gold medal noong 2019 SEA Games ay dumiretso si Obiena sa Italy para sa kanyang training camp at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi ng bansa.

 

 

Sinikwat din ng 25-an­yos na pole vaulter ang gintong medalya sa PSD Bank Indoor Meeting mula sa kanyang 5.65m sa Dortmund sa Germany.

 

 

Matapos talunin ang gold medal noong 2019 SEA Games ay dumiretso si Obiena sa Italy para sa kanyang training camp at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi ng bansa.

Other News
  • ‘Pasyang ibenta ang Blackwater franchise, irekonsidera sana’ – PBA chief

    Umaasa si PBA Commissioner Willie Marcial na irerekonsidera ni Blackwater owner Dioceldo Sy ang pasya nito na ibenta ang franchise ng Elite.   Ayon kay Marcial, sakaling buo na ang pasya ni Sy na ibenta ang prangkisa, dadaan daw ang interesadong buyer sa mahaba at masalimuot na proseso bago maangkin ang koponan.   “Hindi ko […]

  • Deltacron binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center matapos na ma-detect sa Amerika at Europa

    Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron.     Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa.     Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19.     Sa ngayon ay naghihintay […]

  • May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB

    May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB NAGSALITA na si Bianca Manalo tungkol sa kinasangkutan niyang kontrobersya kasama ang co-star niya sa teleserye na ‘Magandang Dilag’ na si Rob Gomez. Kumalat kamakailan sa social media ang conversation nila diumano ni Rob at parang lumalabas na […]