Obiena nagtatak ng PH record
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
TULOY ang pag-angat ng tikas ni national athlete Ernest John ‘EJ’ Obiena sa pagsasanay at paghahanda para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na iniurong lang sa parating na July 23-August 8.
Patotoo ang magarang umpisa niya sa taong 2021 sa pagtatala ng bagong national indoor pole vault record maski pumanlima lang sa kadaraos na Karlsruhe Indoor Meeting sa Germany.
Tagumpay niyang nilundag at nakatawid ang bar sa taas na 5.62 meteres na tumaklob sa sarili niyang PH mark na 5.43m na naestablisa noong Pebrero 4, 2017 sa 18th International Pole Vault Meeting sa Potsdam, Germany din.
“It is a good start in building momentum for the Summer Games this July,” reaksiyon nitong isang araw ni Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Philip Ella Juico. (REC)
-
UAAP crown sinakmal ng NU
NAKUMPLETO ng National University ang matamis na 16-0 sweep upang matagumpay na masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament. Nagawa ito ng Lady Bulldogs matapos patumbahin ang De La Salle University, 25-15, 25-15, 25-22, sa Game 2 ng best-of-three championship series kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. […]
-
Panukala na isama ang personal financial education sa mga tech-voc na paaralan, inaprubahan ng Komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang House Bill 7333 o “Personal Financial Education for Tech-Voc Schools and Centers.” Naglalayong isama nito ang kaalaman sa pananalapi sa teknikal-bokasyonal na kurikula, na ganap na nakatuon sa pansariling pananalapi. Ayon kay Bukidnon […]
-
Ads November 8, 2024