Obiena nakatutok sa mga sasalihang torneo
- Published on January 18, 2022
- by @peoplesbalita
HABANG napirmahan na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Mediation Agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tila hindi pa ito iniisip ni national pole vaulter Ernest John Obiena.
Sa panayam ng Radyo Katipunan 87.9 ay hindi sinabi ng Tokyo Olympics campaigner kung kailan niya lalagdaan ang nasabing kasunduan na inaasahang reresolba sa kanilang hidwaan ni PATAFA president Philip Ella Juico.
“I think I’m so confident in it because I know it’s the truth and I hold the truth in my side and I don’t think I should have any like worries about who’s supporting me or who’s not,” ani Obiena.
Ang nasabing Mediation Agreement ng PSC ang magtatakda ng pag-uusap nina Obiena at Juico kaugnay sa ginawang liquidation procedure ng pole vaulter.
Sumailalim kamakailan sa isang surgery si Obiena sa Germany kung saan inalis ang turnilyo sa kanyang kaliwang tuhod para sa ACL reconstruction noong 2017.
Sasabak ang 6-foot-2 pole vaulter sa limang mabibigat na international tournaments ngayong taon.
Lalahok si Obiena sa Init Indoor Meeting sa Enero 28 sa Karlsruhe, Germany kasunod ang World Indoor Championships sa Serbia sa Marso.
-
ALOK NA AMBAG NG ELECTRIC COOPS SA BAKUNAHAN PINURI NI NOGRALES
Pinapurihan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga electric cooperatives sa ilalim ng pangangasiwa ng National Electrification Administration (NEA) para sa pagboboluntaryong tulungan ang nationwide Covid-19 campaign, na nagsabing “tayo ay nagpapasalamat sa ating mga ECs na iniisip muna ang national interest at para sa pagiging aktibo nilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno. “ Ito ang […]
-
Going 8th months na ang relasyon nila: KRIS, crush na crush na pala noon pa ni Vice Gov. MARK
GANU’N na lang ang naging pag-iyak ni Elijah Canlas habang nagbibigay ng mensahe hinggil sa pagyao ng kanyang bunsong kapatid na si JM Canlas. Pumanaw si JM noong August 3 sa edad na 17. Napanood siya sa mga pelikulang “Kiko Boksingero” at “ANi” at sa TV series na “Unconditional.” Sa TikTok […]
-
BAKUNAHAN SA BEDRIDDEN SA NAVOTAS, SINIMULAN
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Huwebes ang house-to-house na pagbabakuna kontra sa COVID-19 upang mapaglingkuran ang mga Navoteño na hindi makapunta sa vaccination sites ng lungsod dahil sa sakit. Nasa 30 bedridden senior na mga residente ng Barangay Tangos North at South ang nakatanggap ng kanilang unang bakuna sa kanilang bahay. […]