• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena tama ang pagpayag

MABUTI at sumang-ayon na si 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John Obiena sa mediation ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa gusot niya sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

 

 

Ito ang naging tugon niya sa mga senador sa mahigit limang oras na hearing ng Senate Committee on Sports at Senate Committtee on Finance para sa dalawang partido na dinaluhan din ng mga magulang ng reigning World Athletics No. 5 at Asian record holder noong Lunes.

 

 

Ugat ng iringan ni Obiena at PATAFA na pinmumunuan nina chairman Rufus Rodriguez at president Philip Ella Juico ang mali umanong paggamit ng pondo ng atleta na mula sa kaban ng bayan o PSC.

 

 

Bago ang pagsang-ayon, dalawang ulit tinanggihan ng kasalukuyang kampeon sa Universiade, Athltics Championships at Southeast Asian Games  ang mediation na gusto ni PSC Chairman William Ramirez para matapos na rin ang bangasan sapul pa noong Nobyembre na sumisira sa imahe ng bansa  bansa sa international sports community.

 

 

Para sa OD, tama ang iyong pagbabago ng pasya EJ.

 

 

May isang tama, may isa ring mali. Pero gaya nang giniit ni Chairman Ramirez na magpaka-ama sana si Juico at si EJ magpakaanak.

 

 

Maging maginoo rin ang dalawa, magpatawaran upang matapos na ang gusot at para sa kapakanan ng PH sports.

 

 

***

 

 

Salamat po sa ating mga boss sa pagpapabalik upang makapagsulat na muli ako sa People’s BALITA mula sa limang buwang pagtigil. Salamat po uli.

Other News
  • Tamang oras na ilahad ang sexual identity: MICHELLE, nag-out na rin na isa siyang bisexual

    DALAWANG isyu na noon ay bulung-bulungan lamang ang magkasunod na nakumpirma ngayong pagtatapos ng buwan ng Mayo.     Una rito ay ang dati pang napapabalitang hiwalay na sina Max Collins at Pancho Magno.     Sa episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ nitong Lunes, inamin ito ni Max, na nangyari ang kanilang hiwalayan […]

  • Mga dayuhan na may long-term visa, papayagan nang pumasok ng Phl simula Agosto 1

    Simula sa unang araw ng Agosto ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force na pumasok sa bansa ang mga foreign nationals na mayroong long-term visa.   Ibig sabihin nito ay hindi makakapasok ang mga indibidwal na bago pa lamang ang visa.   Ito ay bilang isa sa mga hakbang ng gobyerno upang muling buhayin ang […]

  • Yulo lilipad sa Japan sa Oktubre 14

    NAKATAKDANG magtu­ngo si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa Japan para pasalamatan ang mga personalidad at grupo na tumulong sa kanya doon.     Tutulak sa Tokyo si Yulo sa Oktubre 14 hanggang 18 kung saan kabilang sa pupuntahan nito ang Teikyo University kung saan ito nag-aral bilang iskolar.     Makikipagkita si […]