• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero na humataw ng tubo sa ulo ng katrabaho, kalaboso

HIMAS-REHAS ang 37-anyos na construction worker nang hatawin ng tubo sa ulo kasamahan sa trabaho matapos ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Malabon City.
Ani Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nahaharap sa kasong frustrated homicide at threat ang suspek na si alyas “Cesar”, stay-in sa construction site sa Estanio St. Brgy. Tugatog.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Baybayan na habang nag-iinuman ang biktimang si alyas “Ronie”, 45, ng Bicol Area St. Brgy. Tanza 2, Navotas at suspek, kasama ang isa pa nilang kasamahan na si alyas “Maximo”, 26, sa construction site dakong alas-11:30 ng gabi nang mauwi sila sa pagtatalo.
Sa kainitan ng pagtatalo, biglang dumampot ng bakal na tubo ang suspek at hinataw sa ulo si alyas Ronie na duguang napahandusay at isusunod sanang hatawin si alyas Maximo subalit, nakatakbong palabas para humingi ng saklolo.
Nagkataong nagpapatrulya sa lugar ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station-2 na agad namang rumesponde sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakakumpiska sa ginamit niyang bakal na tubo habang isinugod naman ang biktima sa Tondo Medical Center para magamot tinamong sugat sa ulo. (Richard Mesa)
Other News
  • Pinas, malapit na sa target na bakunahan ang 50% ng populasyon- PDu30

    “On track” ang Pilipinas na makamit ang target nito na bakunahan ang 50% ng general population bago matapos ang taon.   Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Miyerkules ng umaga ang tagumpay ng pamahalaan na makamit ang nilalayon nito na makapagturok ng 55 milyong doses ng coronavirus disease 2019 […]

  • SUE, umamin na uncompatible ang signs nila ni XAVI pero nagawang mag-work; maraming makaka-relate sa ‘Boyfriend No. 13’

    MARAMI pa rin ang makaka-relate sa bagong series na, Boyfriend No. 13, a WeTV original, line produced ng APT Productions at sa direksyon ni John “Sweet” Lapus.          Kahit na into online, social media ang mga Pinoy ngayon, marami pa rin talaga ang naniniwala sa mga stars, horoscope at zodiac sign. At ganito […]

  • PNP sa mga retired police officials: ‘Wag idamay ang organisasyon sa political agenda

    NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ilang retirado nilang opisyal na huwag idamay ang organisasyon sa kanilang political agenda.     Ang panawagan ay ginawa ni PNP spokesperson Pol. B/Gen. Roderick Augustus Alba matapos na makarating sa kanilang kaalaman na may ilang dating police official at organisasyon na nag-eendorso ng mga kandidato […]