• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero na walang face mask, kulong sa P247K shabu sa Caloocan

NABISTO ang dalang mahigit P.2 milyon halaga ng shabu ng isang construction worker matapos tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Roldan Magluyan, 27 ng Wood Craft St., Bayanihan Baesa, Brgy., 159 ng naturang lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Mina, dakong alas-10:30 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni PLT Mel Soniega sa kahabaan ng Bayabas St., Brgy. 164 nang mapansin nila si Magluyan na gumagala sa lugar at walang suot na face mask.

 

 

Nang tawagin ng mga pulis para alamin ang kanyang pagkakilanlan at ipaalam sa kanya ang kanyang paglabag ay hindi sila pinansin ng suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas.

 

 

Hinabol siya nina PCpl Jemuel Pule at Pat Joclark Cea hanggang sa maaresto at nang kapkapan ay nakuha sa suspek ang walong pirasong medium transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang nasa 36.37 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P247, 316.00.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Omicron sub-variant sa HK , maaaring makapasok sa Pinas- Duque

    MAAARING makahanap ng paraan para makapasok ng Pilipinas ang Omicron sub-variant na nakakaapekto sa Hong Kong.     Ito ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III nang tanungin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibilidad na “bumisita” ang BA.2.2 sub-variant sa bansa.     “There is a possibility, Mr. President,” ayon kay Duque […]

  • Cardinal Advincula, ikinagalak ang mainit na pagtanggap ng religious communities

    Ikinagalak ng bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang mainit na pagtanggap ng religious communities.     Tiniyak ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na bilang pastol ng arkidiyosesis sa mga relihiyoso at relihiyosa ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon.     “My role […]

  • Netflix, promises a Nicholas Sparks-meets-High School Musical vibe with ‘A Week Away’

    THE upcoming Netflix musical is a faith-based feature film set in a Christian summer camp.     Netflix promises a ‘Nicholas Sparks-meets-High School Musical’ vibe with A Week Away.     If you’re looking for an uplifting, inspiring film to watch with the entire family, this upcoming Netflix original might be for you.     […]