Office of the President nanguna sa may pinakamalaking nagastos na confi fund noong 2023
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
Nakagastos ang Office of the President sa ilalim ni Ferdinand Marcos Jr ng nasa P4.57 bilyon sa confidential at intelligence funds noong 2023.
Ayon sa Annual Financial Report ng Commission on Audit na ang Office of the President ang siyang nanguna na nakagastos ng kanilang confidential at intelligence funds noong nakaraang taon.
Ang nasabing halagang P4.57-B noong nakaraang taon ay mas mataas kumpara noong 2022 na mayroon lamang na P4.51-B.
Sa nasabing halaga ay P2.2-B dito ay para sa confidential expenses habang P2.3-B naman ay inilista sa intelligence expenses at ang mahigit P10-M naman ay ginamit para sa extraordinary at miscellaneous expenses.
Ang Confidential expense ay mga gastusin na may kinalaman sa surveillance/ confidential activities sa mga civilian government agencies para sa pagsuporta ng mandato o operasyon ng ahensiya.
Nasa pangalawang puwesto naman ang Department of Justice sa may malaking nagastos ng confidential funds na nagkakahalaga naman ng P683.85-M.
Ang nasabing halaga ay kinabibilangan ng gastos mula sa Office of the Secretary, National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration.
Nasa pangatlong puwesto ang Office of the Vice President na mayroong P375-, pang-apat ang National Intelligence Coordinating Agency na mayroong P127.41-M, National Security Council na mayroong P90-M, Department of National Defesne na mayroong P78.92-M at Department of Interior and Local Government na mayroong P75-M. (Daris Jose)
-
‘KILL SWITCH’ NG ISANG TNC, DAPAT IMBESTIGAHAN NG LTFRB –
Nakatanggap ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng ilang sumbong buhat sa mga Transport Network Vehicle Serviceso TNVS providers laban sa isang Transport Network Company o TNC na may come-on na “Drive to Own”at “Kill Switch”program na pang-akit nila sa mga providers. Talaga naman mae-enganyo ka sa scheme ng TNC na ito. Ayon sa mga […]
-
P200K ang isang set na may personalized message: First-ever handpainted toy collectibles ni HEART, inaasahang magso-sold out
WALA talagang tigil ang Kapuso star and fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang pasabog na artworks. Infairness, pinangangatawan na talaga ni Heart ang pagiging ‘artist’ at talaga namang inaabangan ng mga art lovers and collectors ang kanyang latest creations. Sa kanyang Instagram post, pinasilip nga ni Heart ang kanyang first-ever handpainted […]
-
PBBM, ipinag-utos ang pagkumpleto sa water-related projects sa April 2024
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipinag-utos niya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kompletuhin ang water-related projects sa April 2024 bilang paghahanda para sa epekto ng El Niño phenomenon. Sa isinagawang ina inagurasyon ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Lupao, Nueva Ecija, winika ng Pangulo ang pamgangailangan […]