• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA

INILUNSAD  kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at Manila City Mayor Isko Moreno.

Nalaman  na ang staysafe.ph app ay may kakayahan na i-trace at pinuntahan , makasalamuha ng isang user gamit ang GPS.

Makikita din umano sa naturang app ang kasalukuyang sitwasyon ng isang lugar pagdating sa kaso ng COVID-19.

Nabatid na ang staysafe.ph app ay maaring i-download sa Google Playstore, Apple App Store, Huawei Apps Gallery at sa website na staysafe.ph.

Sinabi ni  Magalong, malaki ang maitutulong ng naturang app para matukoy ang mga pinuntahan at nakasalamuha ng mga confirmed COVID-19 cases.

Sa kabila na  may iba’t ibang klaseng tracer app na ang iba’t ibang LGU sa bansa ay madali itong maiko-consolidate sa staysafe.ph app.

Kaugnay nito, hinikayat  naman ni Moreno ang publiko, at mga establisimyento na mag-download at gamitin ang naturang app para makakuha ng mas magandang datos hinggil sa COVID-19.

Sinabi naman ni Roque,  na ang paglulunsad ng naturang tracer app ay isang patunay na may plano at may ginagawa ang Duterte Administration laban sa COVID-19 pandemic. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Big city, same rules. John Krasinski explores what it’s like for New York to go silent in “A Quiet Place: Day One”

    WHILE developing the next installment for the captivating world of A Quiet Place, producer and writer John Krasinski found himself wanting to see how the rest of the world is dealing with this otherworldly crisis. “I especially wondered how people in a big city like New York, with all the chaos and noise there, all […]

  • Japanese tennis star Osaka, ipinakita ang suporta sa racial discrimination

    Ipinakita ni Japanese tennis star Naomi Osaka ang kaniyang suporta sa mga lumalaban sa social injustice.   Sa pagsisimula ng laro sa US Open sa New York, nagsuot ito ng face mask na mayroong pangalan na Breonna Taylor, ang black woman na pinagbabaril hanggang mapatay ng mga kapulisan.   Isa lamang aniya ito sa pitong […]

  • Takot sa COVID-19, nabawasan

    KAPANSIN-PANSIN na nabawasan na ang takot at pag-aalala sa bantang pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).   Iilan na lang ang nakasuot ng face mask at nabawasan na rin ang mga post sa social media na may kaugnayan sa nasabing sakit saan mang kalsada.   Sinundan ito ng paglilinaw ng mga ahensiya ng gobyerno na […]