• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OFW na nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19, ‘di bakunado – DOH

Hindi umano bakunado sa COVID-19 ang ikatlong returning overseas Filipino na nagpositibo sa Omicron variant na nakapasok sa Pilipinas.

 

 

Sa ginawang paglilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergerie, ang 36-year-old returning overseas Filipino (ROF) ay nagmula sa Qatar at dumating sa bansa noong Nobyembre 28 via Qatar Airways Flight number QR 924.

 

 

Siya ay na-quarantine sa Cebu sa pagdating at nagpositibo noong Disyembre 5.

 

 

Pagkatapos ay inilipat siya sa isolation facility.

 

 

Nanatiling nakahiwalay ang ROF hanggang Disyembre 16 at umuwi noong Disyembre 17 sa Cavite.

 

 

Sinabi ni Vergeire na lumabas ang kanyang buong resulta ng genome sequencing noong Disyembre 18.

 

 

Siya ay ini-relocate at muling isinailalim sa swab at nagnegatibo na sa pagsusuri noong Disyembre 19.

 

 

Tiniyak naman ni Vergerie na nagsagawa na sila ng contact tracing sa mga pasahero sa Qatar Airways flight number QR 924 noong Nobyembre 28.

 

 

Pero ayon sa DOH ang tatlong nagkaroon ng close contact sa naturang OFW ay negatibo na rin sa virus.

Other News
  • PAGWASAK SA MAY P7.5-B HALAGA NG IBAT-IBANG URI NG DROGA NG PDEA SINAKSIHAN NI PDU30

    AABOT sa halagang P7,510,840,985 na halaga ng iba’t ibang uri ng droga at mga sangkap nito ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Integrated Waste Management system sa may Trece Martirez sa Cavite.   Ayon kay PDEA Director General Wilkins Vilanueva ay ito ay pagsunod  sa batas at sa mahigpit na utos […]

  • Tiniyak ng DA: walang pagtaas o paggalaw sa presyo ng gulay sa NCR dahil kay bagyong Florita

    TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magaganap na pagsirit sa presyo ng gulay sa Kalakhang Maynila sa kabila ng matinding epekto ng  Severe Tropical Storm Florita.     Ang katuwiran ni  DA Undersecretary Kristine Evangelista, patuloy silang nagsasagawa ng  assessment  upang ma-identify ang halaga ng pinsala sa agrikultura at maging i-monitor ang suplay […]

  • RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS

    Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019.  Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay.   Ayon kay Department of Labor […]