• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OFWs na tinamaan ng COVID-19 sa virus hit Hong Kong tumalon sa 221

LALO pang dumami ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na tinamaan ng COVID-19, ito habang suspendido na sa naturang Chinese administrative region ang flights mula sa walong bansa — kasama na ang Pilipinas.

 

 

Sa tala ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Huwebes, sinabi ni Hong Kong Labor Attaché Melchor Dizon sa Laging Handa briefing na umabot na ang bilang sa 221.

 

 

Mula sa bilang na ito, 95 na ang naka-isolate sa bahay ng kanilang mga employers habang 43 na ang gumaling. 22 sa kanila ang nasa government quarantine facilities habang 22 ang nasa non-government organization facilities.

 

 

Anim naman sa mga nabanggit ay nananatili sa hotel facilities habang walo pa ang nasa mga ospital.

 

 

“Sa kasamaang palad medyo tumaas ‘yung cases. From zero noong January (2022) nagkaroon ng mga more than 100. Tapos nitong February nag-start nang tumaas, nag-6,000, tapos nag-10,000, nag-20,000. Noong March 1, 32,000,” wika ni Dizon kanina.

 

 

“Kahapon, ang reported cases ay 55,000.”

 

 

Dagdag pa ni Dizon, magpapatupad na ng mandatory COVID-19 mass testing sa lahat ng 7.5 milyong temporary at permanent residents nito.

 

 

Nakatakda nang iuwi ng Pilipinas ang mga Pinoy na naapektuhan ng COVID-19 surge sa Hong Kong matapos lumabas ang mga ulat na ilang migranteng manggagawa roon ang pinapaalis ng kanilang mga employer.

 

 

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, pangungunahan ni ecretary Delfin Lorenzana ang nasabing repatriation effort.

 

 

Una nang pinasinungalingan ni Labor Secretary Silvestre Bill III na sinisisante ng mga employers ang mga OFWs sa Hong Kong matapos magpositibo sa COVID-19.

 

 

Matatandaang sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na nagbigay na ang POLO ng ng pagkain, hygiene kits at power banks sa mga nasabing OFWs para agad nilang makausap ang Hong Kong authorities.

Other News
  • Alden, naalala kung paano nahirapan sa umpisa 10 years ago

    Kahit na ang mga unang taon sa industriya ay hindi naging madali para kay Alden Richards, hindi siya sumuko para marating ang kanyang mga pangarap.   Ngayong 2020, 10 years na si Alden sa showbiz.   At malinaw pa sa kanya kung paano siya nangarap noon.   “When I was starting, ang dami kong panga­rap, […]

  • Sa gitna ng pag-alis sa VFA: Malakanyang, kumbinsidong mas mataas ang respeto ng US sa bansa

    Kumbinsido ang Malakanyang na nakuha ng Pilipinas ang mas mataas na respeto mula sa Amerika kasunod ng pasya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement.   Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na sa pamamagitan ng pagpapadala ng abiso para sa terminasyon ng VFA ay masasabing kasingkahulugan ito na […]

  • Ads September 20, 2023