• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Okay pa rin ang relasyon nila ni Yen: PAOLO, nilinaw na edited video ang kumalat na sweetness nila ni ARRA

MAHAL namin si Paolo Contis kaya nababahala kami kapag iniisyuhan siya ng pagiging playboy.

 

 

Kaya mabuti naman at nag-guest siya sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ at sa harap mismo ng King of Talk ay kinlaro niya ang mga tsismis tungkol sa kanya.

 

 

Sa segment na ‘Talk Or Dare’ sumalang si Paolo at unang ipinalinaw sa kanya ang fake news na may relasyon sila ng Sparkle actress na si Arra San Agustin na co-host nila sa “Eat Bulaga!” ngayon.

 

 

Nag-ugat ang tsika sa dalawa dahil sa nag-trending na mga video clips at photos kung saan makikitang sweet sina Paolo at Arra.

 

 

Seryosong lahad  ni Paolo, “‘Yung kumakalat sa amin ni Arra, it’s an edited video of a portion in “Eat Bulaga!” and it was maliciously edited.

 

 

“It’s a skit, a love triangle ni Arra, ako and tsaka ni Candy, played by Betong, and they just keep posting the Arra side of it.”

 

 

Nais raw ng ‘Eat Bulaga!’ na magbigay-kasiyahan sa publiko kaya may iba-iba silang pakulo at segment, na inakala naman ng iba ay totoong may ugnayan sina Paolo at Arra.

 

 

Bilang patunay na wala silang something ni Arra, isang mariing “Yes!” ang isinagot ni Paolo kay Tito Boy sa tanong ng beteranong host sa actor kung “Kayo pa ba ni Yen?

 

 

Early this year kinumpirma ni Paolo ang relasyon nila ni Yen Santos na leading lady niya  sa pelikulang “A Faraway Land.”

 

 

Samantala, on his professional side, bukod sa ‘Eat Bulaga!’ at ‘Bubble Gang’ ay may pelikula si Paolo, ang ‘Ikaw At Ako’ nila ni Rhian Ramos at ipapalabas sa Disyembre 6 kung saan kasama rin nila sina Ronaldo Valdez, Boots Anson-Rodrigo at ang hunky actor na kaibigan namin, si Andrew Gan.

 

 

IKINALUNGKOT ng marami ang pagkakansela ng concert ng SB19 sa Singapore at Thailand at kasunod nito ay ang anunsiyo na hindi na rin tuloy ang show ng phenomenal group sa Dubai.

 

 

Parte sana ang mga series of shows ng Asian leg ng PAGTATAG! world tour ng SB19.

 

 

Sa pamamagitan ng kanilang post sa X (dating Twitter) ay humingi ng pasensiya ang grupo at ang kanilang talent management na 1Z Entertainment dahil sa twist of events.

 

 

“Your continuous patience and understanding are greatly appreciated.

 

 

“Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin will continue to work hard and prepare for their future performances with positivity and gratitude knowing that they have your unwavering support and trust,” bahagi ng kanilang announcement.

 

 

In-announce rin ang pagre-refund sa Black Star Entertainment Production via email dubai.pagtatagtickets@gmail.com.

 

 

Maging ang refund sa merch o merchandise ay sa pamamagitan ng uneckoproductionsmerch@gmail.com.

 

 

Kung ano ang lungkot ng mga nasa Singapore, Thailand at Dubai ay siya namang tuwa ng mga nasa Japan dahil may concert doon ang SB19 sa Tokorozawa Sakura Town sa December 9.

 

 

Wala pang malinaw na rason sa mga kanselasyon pero konektado ba ito sa pag-alis ng SB19 sa kanilang agency na ShowBT Entertainment at pagkakaroon ng sarili nilang kompanya na 1Z Entertainment nitong Oktubre kung saan si Pablo ang tumatayong CEO?

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Dahil gusto nila na magkaroon ng ‘Dragon baby’: ARA, planong mabuntis at manganak bago matapos ang 2024

    INAMIN ni Ara Mina na sa 2024 ay isasakatuparan na niya ang pinakabonggang plano niya, ang pagkakaroon ng baby ng mister niyang si Dave Almarinez. “I remember, five months pregnant ako dun sa daughter ko, I’m still taping. Kaya ko pa naman mag-taping hanggang five to six months, if they will allow me, bago ako […]

  • Mula sa luggage hanggang restrooms: DOTr chief Bautista, isiniwalat ang mga problema sa NAIA

    TINAPIK at binigyan ng listahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Manila International Airport Authority (MIAA)  hinggil sa  masasabing overall passenger experience sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Isa na ayon kay Bautista ang  “delayed release” ng mga luggages.     Tinukoy nito ang nangyaring insidente sa Terminal 2 kamakailan matapos makatanggap ng  […]

  • Cheng muling papapako sa F2 Losgistics Cargo Movers

    NASA F2 Logistics Cargo Movers ng semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) ang star volleyball player na si Desiree Wynea ‘Des’ Cheng sapul noon pang taong 2016.     At base sa kanyang Instagram account story, wala siyang planong tumawid ng liga (professional Premier Volleyball League) o lisanin ang kasalukuyang koponan.     Nagkaroon ng tanungan kasama […]