• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron sub-variant sa HK , maaaring makapasok sa Pinas- Duque

MAAARING makahanap ng paraan para makapasok ng Pilipinas ang Omicron sub-variant na nakakaapekto sa Hong Kong.

 

 

Ito ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III nang tanungin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibilidad na “bumisita” ang BA.2.2 sub-variant sa bansa.

 

 

“There is a possibility, Mr. President,” ayon kay Duque sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Miyerkules.

 

 

Gayunman, hindi naman masabi ng Kalihim kung ang sub-variant ay labis na makakaapekto sa bansa lalo pa’t ang nagdaang surge ay bunsod ng BA.2 variant.

 

 

“So hindi pa natin masabi kung ito ho ba ay magdudulot ng ganong ka seryosong pangyayari katulad sa Hong Kong,” dagdag na pahayag ni Duque.

 

 

Idagdag pa rito, tiniyak naman ni Duque sa publiko na ang vaccination rate ng Pilipinas ay mas mataas kumpara sa Hong Kong lalo na sa hanay ng mga lolo’t lola. Ayon sa ilang researchers, ang pagtaas ng kaso sa ibang bansa ay bunsod ng mababang vaccination rate.

 

 

“On the other hand, ‘yun po kasing vaccination coverage ng citizens sa Hong Kong mababa… so tayo mas maganda ang ating protection level,” aniya pa rin.

 

 

“We have experienced five surges… so that has also rendered out population some degree of protection as well. So from natural immunity and also from vaccination,” pahayag ng Kalihim.

 

 

Ayon kay Duque, ang vaccination rate ng mga seniors o lolo’t lola sa Hong Kong ay 33% lamang.

 

 

Aniya, patuloy namang mino-monitor ng ahensiya ang situwasyon.

 

 

“Sa ngayon… wala pang natutuklasan na BA.2.2 sublineage sa samples na nasequence ng Philippine Genome Center sa ating bansa, pero patuloy tayo nagbabantay,” ayon kay Duque.

Other News
  • Bolick, Fernandez mayroong iringan

    HINDI naging maayos ang samahan nina Evan Nelle at San Beda University men’s basketball coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III   Taliwas ito kay ex-Red Lion at ngayo’y Philippine Basketball Association (PBA)  star Robert Lee Bolick Jr. at sa Beda bench tactician din.   Siniwalat nang kasalukuyang naglalaro na sa Terrafirma Dyip, na naging mabuti ang […]

  • Ellen DeGeneres, nagsalita na sa pinukol na matitinding isyu

    NAG-CELEBRATE ng kanilang monthsary last September 20 sina Barbie Forteza at Jak Roberto.   Pero hindi nagkasama ang dalawa sa araw na iyon.   Kaya nag-throwback post na lang si Barbie sa kanyang Instagram:   “Patunay na ‘di kailangan maging sexy para makasungkit ng sexy… Tiwala lang! Happy monthsary @jakroberto. I miss you so much. […]

  • ANDREW KOJI, HIROYUKI SANADA SEEK VENGEANCE IN “BULLET TRAIN”

    TWO of today’s most popular Japanese actors, Andrew Koji (HBO Max’s Warrior) and Hiroyuki Sanada (John Wick: Chapter 4) star alongside Brad Pitt in Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train, in Philippine cinemas August 10.     In the film, Pitt stars as Ladybug, an unlucky assassin determined to do his job peacefully after one too many […]