• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ON-LINE TAKING SA MGA BAR PASSER IPAPATUPAD NG SC

ISASAGAWA ng Supreme Court (SC) ang on-line oath taking  sa lahat ng mga nakapasa sa 2019 Bar Examination sa darating na Hunyo 25.

Ito ay matapos na aprubahan ng SC ang isang resolusyon  para gawin on-line ang oath taking ang mga bar passer  para maiwasan ang hawahan ng coronavirus disease (COVID-19).

Nabatid na nakakonekta rin ang online oath-taking sa telebisyon ng pamahalaan para mai-broadcast ito.

Ipinaliwanag ng SC, na ang online oath-taking ay eksklusibo lamang para sa mga 2019 bar passers na mahigit  sa 2,000.

“The Court authorized the Bar Confidant, under the guidance of the 2019 BAR Chairperson, Senior Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe, to perform all necessary acts, under existing rules, regulations, and resources, to carry out the oath taking as contemplated in the resolution,” nakasaad sa resolusyon ng  SC.

Magpapalabas pa umano ng karagdagang detalye ang  Office of the Bar Confidant sa mga susunod  na araw para sa gaganapin na  online oath-taking ng mga bar passer. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Wimbledon Grand Slam tournaments pinagbawalan ng makapaglaro ang mga Russian at Belarusian players

    PAGBABAWALAN na ng Wimbledon Grand Slam tournaments ang mga manlalaro ng Russia at Belarus.     Ito ay dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa bansang Ukraine.     Sa kasalukuyan kasi ay nakakapaglaro ang mga manlalaro ng Russia at Ukraine sa mga ATP at WTA events dahil sa paggamit ng neutral flags mula ng […]

  • 2 tulak timbog sa P 9 milyon shabu sa Valenzuela

    UMABOT sa mahigit P.9 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug pushers na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.       Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng […]

  • Palasyo itinangging idinawit si Hidilyn Diaz sa ouster matrix noon, kahit totoo naman

    Imbes na humingi ng tawad, itinanggi pa ng Malacañang na naglabas sila ng “matrix” na nagdadawit sa isang atletang Pinay sa pagpapabagsak ng gobyerno ngayong nanalo ang nabanggit sa Olympics.     Mayo 2019 nang maglabas ng listahan si dating presidential spokesperson Salvador Panelo patungkol sa mga nais daw mag-destabilisa sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte — […]