• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Once-a day religious gatherings pinayagan ng IATF

PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga nais na magsimba ngayong Semana Santa.

 

Base sa naging anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque, pinapayagan ng IATF ang “once a day religious gatherings” mula Abril 1 hanggang 4, 2021.

 

Dahil dito, kinakailangan aniya na sundin ng mga religious denominations at ipatupad ang mga sumusunod na karagdagang mga controls bukod pa sa mga dating nilang ginagawang hakbang bilang pag-iingat sa kumakalat na Covid-19 habang sila ay nagsasagawa ng kanilang mga religious services o activities.

 

Una na aniya ay kinakailangang sundin ang maximum indoor seating capacity na sampung porsyento sa lahat na oras.

 

 

Hinihikayat din na ang pagpasok sa mga simbahan o venues ay sa pamamagitan po ng reservation para matiyak na masusunod ang 10% capacity limitation.

 

Pangalawa ani Sec. Roque ay bawal ang pagtitipon-tipon o pagsasagawa ng religious activities sa labas ng simbahan o venue.

 

Ang pangatlo aniya ay upang maiwasan ang pagititipon-tipon ng mga tao sa labas ng simbahan, ipinagbabawal ang paggamit ng audio video systems sa labas ng simbahan o venue habang mayroong misa o worship service.

 

Habang ang pang-apat, ang live-singing kung meron ay striktong lilimitahan at hinihakayat ang recorded singing.

 

At ang panghuli naman ani Sec. Roque ay inihikayat na ang pag-attend sa mga religious activities sa pamamagitan ng iba’t ibang online platforms.

 

Inatasan din ani Sec. Roque ang mga local barangay units at local units ng PNP na ipatupad ang mga nasabing protocols.

 

Inaprubahan din ayon kay Sec. Roque ng IATF ang request ng Professional Regulation Commission na magsagawa ng licensure examinations for professionals sa Mayo at Hunyo ngayon taon habang istriktong ipinatutupad ang health protocols ng Department of Health.

 

Ang kukuha aniya ng exam o pagsusulit na manggagaling sa mga lugar na general community quarantine ay hindi hinikayat na bumyahe sa mga lugar na modified general community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 transmission.

 

Samantala maglalabas ng kinakailangang certifications ang Department of Information and Communications Technology para ipa-facilitate ng ahensya ang turnover of rights ng StaySafe.ph sa Republika ng Pilipinas bilang donee na kinakatawan ng Department of the Interior and Local Government.

 

At ang panghuli ayon kay Sec. Roque ay nagkaroon na aniya ng desisyon ang NITAG na ‘iyong nakakrating lang na pinakahuling donasyon ng China na 400,000 Sinovac ay ibibigay ang karamihan nito sa pinakaapektado ng new variants, kasama na ang NCR Plus, at ang Cebu, at Davao.

 

“Yan po ay impormasyon na ipinarating sa ating ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • New Image from Marvel’s ‘Eternals’, Detailed Look at Kumal Nanjiani’s Costume

    A new still from Marvel’s Eternals offers a detailed look at Kumail Nanjiani’s Kingo costume.     Helmed by Oscar winner Chloé Zhao, Eternals is the next movie in MCU’s Phase 4 slate, which shifts the focus away from better known Marvel superheroes like the Avengers and Guardians of the Galaxy, introducing the new eponymous alien race of immortal superpowered individuals based […]

  • DoH, tiwalang makukumpleto na ang pagtuturok ng Covid-19 vaccines sa mga nasa A1, A2, at A3 priority list

    KUMPIYANSA ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pagdating ng mga suplay ng Covid -19 vaccines lalo na ng AstraZeneca at Sinovac.   Dahil dito, malapit nang makumpleto ng DoH ang pagbibigay ng bakuna para sa mga nasa A1 at A2 priority list.   Sinabi ni DoH Usec. Myrna Cabotaje, sa kanilang pinakabagong datus, […]

  • Four years din na ‘di nakagawa ng movie: THERESE, pam-Best Actress na naman ang performance sa ‘Broken Blooms’

    FOUR years din palang hindi gumawa ng pelikula ang award-winning actress na si Therese Malvar.     Kaya noong inalok sa kanya ang Broken Blooms, tinanggap niya ito agad dahil na-miss daw niyang gumawa ng pelikula.     Nataon naman na nakabilang ang Broken Blooms sa Oporto International Film Festival sa Portugal noong nakaraang April […]