ONE eSports Dota 2 Indonesia, inilatag
- Published on March 9, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAHAYAG ng ONE eSports, isang subsidiary ng ONE Championship (ONE) na pinakamalaking global sports media property sa Asia, ang pakikipagtambal sa PGL para sa pagsasagawa at pagsasapubliko ng official schedule sa Singapore para sa susunod na ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational sa Nobyembe 23-29.
“The success of the ONE Esports Dota 2 Singapore World Pro Invitational is only the beginning and we want to continue our investment in the Dota 2 ecosystem. I’m excited to announce another Invitational in Indonesia in November 2020 after the Singapore Major in June,” wika ni Carlos Alimurung, CEO ng ONE eSports. “As always, we will bring together the world’s best pro teams to compete, and fans can look forward to exciting matches, meet-and-greet sessions, cosplays, and the best experiences at our event.”
Tinanghal na overall winner sa ONE Esports Dota 2 Singapore World Pro Invitational noong Disyembre 17-19, 2019 ang Vici Gaming ng China.
Umabot sa 88 milyong global views, kasama ang 464,000 na pinakamataas na sabay-sabay na nanood mula sa 24 bansa na bansa ang unang leg ng palaro.
Ang mga inimbitahang koponan sa nakatakdang paligsahan ay ang Alliance, Evil Geniuses, Gambit Esports, J.Storm, PSG.LGD, Natus Vincere, Team Aster, Team Liquid, Team Secret, TNC Predator, Vici Gaming at Virtus.pro.
Paglalabanan sa ONE Esports Dota 2 Invitational Series-ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational ang US$500,000. (REC)
-
Drug lords ilagay sa isla na puro bato – Sotto
Bilang alternatibo sa parusang kamatayan, iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na alisin sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at ibukod ang mga kriminal mula sa iba pang bilanggo. Suhestiyon ito ni Sotto para umano sa mga nawawalan na ng pag-asa na mabuhay pa ang parusang kamatayan sa bansa kaya ito ang […]
-
MAJA, pinupuri sa ‘Arisaka’ at mukhang makakalaban nina SHARON at KIM sa pagka-Best Actress
PINUPURI nga ng netizens ang official poster ng Arisaka na pinagbibidahan ni Maja Salvador na magwo-world premiere at magko-compete sa 34th Tokyo International Film Festival (TIFF) Inilabas na rin ni Direk Mikhail Red official trailer at makikita si Maja na isang policewoman na trying to escape and survive habang hinahabol ng mga kapwa-pulis headed by Mon Confiado. […]
-
Magno ‘nag-eespiya’ na rin
BUKOD sa kaabalahan sa pag-eensayo ni Irish Magno, ‘iniispayan’ din niya ang mga posibleng makasapakan sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na tuloy na sa Hulyo 23-Agosto 8 tapos maurong dahil sa COVID-19. Kasagsagang nag-o- Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang boksingera, 29, 5-2 at […]