One-seat-apart ipapatupad sa mga PUVs
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGUTOS ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang madaliang pagpapatupad ng one-seat-apart rule upang mapadami ang kasalukuyang capacity sa mga public utility vehicles (PUVs).
Kanya rin pinagutos ang pagkakaron ng mas maraming PUV routes at units upang maging operational at upang madaliin ang pagpapatupad ng service contracting ng mga buses at jeepneys upang mabigyan ng serbisyo ang mga commuters habang ipinatutupad ang mahigpit na health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinatupad ni President Duterte ang mga ito matapos na payagan ang recommendation na proposal ng Economic Development Cluster upang magkaron ng economic recovery.
Sa one-seat-apart na policy na pinayagan ipatupad, puwede lamang ito kung lalagyan ng barriers sa pagitan ng mga pasahero o di kaya ay ang paglalagay ng UV lights sa mga sasakyan.
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay maglalabas ng isang clarificatory memorandum circular na magpapaliwanag sa detalye ng one-seat-apart rule at ang paggamait ng mga measures upang mapadami ang capacity ng mga PUVs.
Inutusan din ni Tugade ang LTFRB na magbukas pa ng maramaing public transport routes para sa mga mas roadworthy units tulad ng para sa mga provincial at city buses kasama rin ang public utility jeepney (PUJs).
“I ordered the LTFRB to open up more public transport routes and authorize more roadworthy units, such as provincial and city buses, as well public utility jeepneys. I also ordered the agency to allow the operation of additional transport network vehicle services (TNVS), and taxis. Under the current policy, there is no cap on the number of additional taxis and TNVS units to be deployed as long as they are duly-accredited by the TNCs for purposes of contact tracing and more importantly, are compliant with public health protocols of set by IATF,” wika ni Tugade.
Inulit ni Tugade na kanyang sinusuportahan ang clamor para sa pagbabalik ng motorcycle taxis, subalit ito ay kinakailangan may Congress Resolution upang siyang magsilbing legal basis bago nila payagan na magpatuloy ng operasyon nito.
Ayon sa kanya, ito ay malaking tulong lalo na ngayon limitado pa din ang kapasidad ng pampublikong transportasyon. Kaya nga, basta may Congress Resolution na magiging legal basis ng DOTr upang magkaron sila ng operasyon, ito ay susuportahan namin. Kami ay susunod sa directive ng Congress at IATF para sa health at safety protocols.
Ganon din, inutusan ni Tugade ang LTFRB chief na bilisan ang paggawa ng guidelines para sa pagpapatupad ng Service contracting para sa mga buses at public utility jeepneys ngayon October upang bigyan ang mga operators at drivers ng steady source ng kanilang income.
Ang rail sector naman ay inutusan din na mag increase ng 50 percent mula sa dating 30 percent ng kanilang passenger capacity. At sa maritime sector, pinagutos naman niya na payagan na ang magkaron ng mas maraming Ro-Ro ferries at mas maraming flights upang mapagsilbihan ang mga tao.
Pinaalalahanan din ni Tugade na sumunod sa mahigpit na enforce- ment ng 7 Commandments sa loob ng mga PUVs na nirerekomenda ng mga health experts.
-
Ads May 8, 2021
-
April opening target ng NCAA
Magdiriwang ang sports fans sa Abril sa susunod na taon dahil sabay-sabay na magbubukas ang malalaking torneo sa naturang buwan. Plano rin kasi ng NCAA na simulan ang Season 96 nito sa naturang petsa sakaling maging maayos na ang lahat. Makakasabay ng NCAA sa opening nito ang UAAP na una nang nagpahayag na […]
-
25 call center agents, nag-positibo sa COVID-19 matapos ang beach party sa Subic
Iimbestigahan pa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kung may nalabag na health protocols sa loob ng Subic Freeport dahil dito lamang ang jurisdiction ng SBMA. May kaugnayan ito sa 25 empleyado ng isang business outsourcing company (BPO) na nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanilang isinagawang beach at pool party sa Subic. Ayon […]