Online scammers, dumarami ngayong holiday season – SEC
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay sa lalo pang pagdami ng online scammers ngayong “ber months.”
Ayon kay Atty. Oliver Leonardo, OIC ng enforcement and investor protection department ng SEC, kasabay ng pagdami ng mga lehitimong negosyo, sinasamantala rin ang ganitong panahon ng mga bogus na negosyante.
Karamihan umano ay sa pamamagitan ng online transactions, dahil hindi gaanong lumalabas ang mga tao.
Pakiusap ni Leonardo, gumawa sana ng pormal na reklamo ang mga nabibiktima ng scam, para mahabol ang mga kawatan at hindi na makapambiktima pa.
Kwento ng opisyal, madalas na inaabandona na ng mga complainant ang kaso kapag tumatagal na ng ilang buwan, dahil ayaw nang maabala ng mga ito.
Sa ganitong sitwasyon, humihina ang bigat ng kaso dahil nawawala ang supporting data at iba pang ebidensya.
Abiso pa ng SEC, baka mas dumami ang scammers ngayong holiday season, dahil ugali na ng marami na humabol sa holiday rush. (ARA ROMERO)
-
Mga suspek sa Salilig hazing, pinasasailalim sa BI watchlist
NAKIKIPAG-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang isailalim sa immigration lookout bulletin ang mga suspect sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig ng Adamson University. Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kailangan na maalerto ang Bureau of Immigration upang mapigilang makalabas ng […]
-
Thankful sila sa season 2 ng sitcom: Sen. BONG, puring-puri pa rin ang leading lady na si BEAUTY
LABIS ang pasasalamat ni Senator Ramon “Bong” Revilla. Jr. sa GMA dahil sa season 2 ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’. Lahad ni Senator Bong, “I’m very thankful sa GMA dahil sa tiwala na ibinigay nila sa akin. At mas pinalaki pa na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na […]
-
Nierba sasakmal, pangil ng NU Lady Bulldogs
HANDA na ang National University Lady Bulldogs sa pagtrangka nina Jennifer Nierva at Ivy Lacsina sa UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament na nakatakda na sanang nagsimula nitong Sabado pero naatras sanhi nang panganib ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19. Magiging lider na ang dalawang veteran volleybelle na nahasa na sa mga naging […]