• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online sellers na ‘tax evaders’ iba-block ng BIR

NAGBABALA ang Bureau of Internel Revenue (BIR) sa mga online sellers at E-marketplaces na ipatitigil ang kanilang mga operasyon kung hindi magbabayad ng buwis ng partikular ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., pinaigting ng ahensiya ang kampanya laban sa mga Online Marketplaces, E-Marketplaces at Online Sellers dahil ngayon ang panahon na marami ang namimili online at malakas ang kita ng mga online businesses.
Alinsunod sa Section 115 ng National Internal Revenue Code na inamyendahan sa ilalim ng RA No. 12023, binibigyan ng kapangyarihan ang Commissioner ng BIR na suspendihin ang mga operasyon ng negosyo kasama ang pag-block sa digital services at mga digital service provider sa Pilipinas na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Aniya, oras na mapatunayan ng BIR na lumabag sa batas sa pagbubuwis ang naturang mga negosyo, agad nila itong iba-block katulad ng ginagawa ng Oplan Kandado program sa mga physical stores.
Paliwanag ni Luma­gui, nagbabayad ng buwis ang mga may tindahan o sari-sari store kaya dapat lamang na gawin din ito ng mga nagnenegosyo online.
Other News
  • PBBM, hindi nagpahuli: Kuwentong kababalaghan sa Palasyo ng Malakanyang, inalala si Father Brown, gumagalaw na mga upuan

    HINDI nagpahuli si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na ibahagi ang mga  Halloween  ghost stories na naranasan at nangyayari sa Palasyo ng Malakanyang.  Sa Facebook video, inalala ng Pangulo ang pangyayari noong siya ay bata pa at ang kanyang ama ang Pangulo ng Pilipinas noong panahon na iyon. Aniya, nasa isa siya sa guest rooms malapit […]

  • Pacman sa 6-hr creation process ng kanyang wax figure: ‘That’s what makes them so realistic’

    MAGKAHALONG pagkalibang at pagkagulat ang naramdaman ni Senator Manny Pacquiao sa buong proseso ng paggawa sa kanyang wax figure.   Pahayag ito ni Manny sa nakatakdang launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa Hong Kong.   Ayon sa 41-year-old fighting senator, inakala nito na matagal na ang dalawang oras pero […]

  • OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine

    Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR. […]