• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Onyok bibigyan ng Malacañang ng P500K

Kung hindi pa siya nag­labas ng sama ng loob ay saka pa lamang maaaksyunan ang kanyang reklamo.

 

 

Bibigyan ng Office of the President  si 1996 Olympic Games silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. ng cash incentive na P500,000 para sa kanyang naibigay na karangalan sa bansa.

 

 

Si Senate Committee on Sports chairman Sen. Bong Go ang gumawa ng paraan para maiparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing ng 47-anyos na si Velasco.

 

 

“Sa panahon ni Pa­ngulong Duterte, binibigyan natin ng importansya, suporta, at insentibo ang mga atleta natin lalo na yung mga nagtatagumpay sa Olympics ngayon,” sabi kahapon ni Go.

 

 

Ipinarating ni Velasco, isa nang part-time comedian at television personality, ang kanyang reklamo sa ilang interview sa gitna ng kampanya nina Olympic silver medal winners Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial sa Tokyo Games.

 

 

Ang kanyang kuyang si Nolito ‘Boy’ Velasco ang tumulong kay Petecio sa featherweight division ng Tokyo Olympics pati na kay flyweight Irish Magno na hindi nanalo ng medalya.

 

 

Matapos kunin ang silver medal noong 1996 Atlanta Olympics ay pina­ngakuan si Velasco ng Kongeso ng P2.5 milyon na hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap.

 

 

Isang negosyante naman ang nangako sa kanya ng lifetime allowance na P10,000 kada buwan na nahinto matapos ang isang taon habang hindi rin nangyari ang pagbibi­gay ng Philippine Navy ng scholarships sa dala­­wang anak.

Other News
  • Ads May 22, 2021

  • Pelicans naitabla ang serye vs Suns, matapos magtamo ng injury si Booker

    NASILAT ng New Orleans Pelicans ang top team na Phoenix Suns sa iskor na 125-114, kaugnay sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs sa Western Conference.     Dahil dito tabla na ang best-of-seven series sa tig-isang panalo.     Naging daan sa panalo ng Pelicans ang all-around performance ni Brandon Ingram na may […]

  • Giit ni Sec.Andanar: media workers, iprayoridad din sa pag-roll out ng Covid-19

    IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pangangailangan na iprayoridad ang mga media workers sa pag- rollout ng Covid-19 vaccine sa oras na maging available na ito.   Sinabi ni Sec. Andanar na kailangan din na ikunsidera bilang mga front-liners ang mga media workers.   “Front-liners ‘yan. Kahit anong mangyari, ang media ay araw-araw […]