• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opisyal at empleyado ng isang recruitment agency, arestado

INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang mga opisyal at empleyado ng isang recruitment agency  dahil sa patong-patong na reklamo ng kanilang mga aplikante .

 

 

Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamo ng kamag-anak ng isa sa biktima kung saan ang mga aplikante umano ay kinukulong sa tanggapan ng Maanyag International Manpower Corp sa Paranaque City. Ang kanilang pasaporte at iba pang mga travel documents ay hawak din nila sa pangamba na isusumbong sila sa pulisya  kung aalis sila.

 

 

Bunsod nito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng NBI-CCD na nagresulta sa pagkaka-rescue ng 15 biktima.

 

 

Kinumpirma naman ng mga biktima ang nabanggit na mga reklamo at sinabi nila  kinakailangan umano nilang magtrabaho, kabilang ang paglilinis at paglalaba ng mga damit ng mga kanilang office staff at pamilya nil ana siyang kabayaran sa kanilang mga dokumento, processing fee at airplane ticket pabalik sa kanilang probinsiya.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 of R.A. No. 10022 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, as amended); Section 4 of R.A. No. 10364 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003); Estafa sa ilalim ng Article 315  ng Revised Penal Code; at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code, all in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012)  ang kinakaharap ng mga inarestong opisyal at empleyado . GENE ADSUARA

Other News
  • HIRED ON THE SPOT

    Na-hired on the spot si Quino Santiago mula sa Bulihan, Lungsod ng Malolos sa posisyon ng Electrician Helper ng D’ Jobsite General Services Inc. sa ginanap na Mini Job Fair: Bulacan Trabaho Service (BTS) sa Waltermart Malolos, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Biyernes. Kasama ng bagong tanggap sa trabaho sina (mula kaliwa) Provincial Youth, Sports, […]

  • Patuloy ang pagtangkilik sa MRT 3 kahit wala ng libreng sakay

    MAY NAITALANG daily average na 300,000 na pasahero ang sumakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3) kahit na tapos na ang libreng sakay na nagpapatunay ang patuloy na pagtangkilik ng publiko sa rail line.       Ayon sa datus ng MRT 3, may kabuohang 321,978 na pasahero ang sumakay ng MRT 3 noong nakaraang […]

  • ANGEL at NEIL, naka-white coat, pants at sneakers lang sa naganap na civil wedding; original plan siguradong itutuloy pa rin

    HINDI pa rin sinasabi nina Angel Locsin at Neil Arce kung kailan sila talaga nagpa-civil wedding kunsaan, ang Mayor ng Taguig na si Lino Cayetano ang nagkasal sa kanila.     Pero so far, marami naman ang natuwa para sa dalawa na dapat, November 2020 pa sana ang talagang date ng kasal, pero dahil nga […]