• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OPISYAL NG MPD-STATION 7 SINIBAK SA PUWESTO

TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro  ng media sa Maynila.

 

Ito ang kinumpirma  ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari.

 

 

 

Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station 10 ay bunsod sa pag-aresto sa reporter ng radio station ng PTV 4 (Radyo Pilipinas) na si Lorenz Tanjoco.

 

Kabilang sa mga sinibak ay sina  PLt Joel Pinon  bilang Beata PCP Commander, PSMS Jonathan Hernandez, PCpl Charles Bronzon Dela Torre, Pat Marvin Anthony Comboya at Pat Jonathan Abad.

 

Linggo ng hapon ng masita sa chekpoint si Tanjoco dahil sa walang suot na facemask dahil sa kadahilanang natanggal ito habang nagmomotorsiklo.

 

Sa kabila ng paliwanag ni Tanjoco ay tinuluyan pa rin at dinala sa Baeta Police Community Precinct kung saan siya ikinulong na tumagal na mahigit sampung oras bago ito tuluyang pinalaya.

 

Ayon kay Francisco, ang mga pulis na ito ay inilipat na sa DIDMD/D7 ng MPD habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.

 

Ang agarang pagkakasibak sa puwesto ng mga tauhan ng MPD ay nangangahulugan na hindi kinukunsinti ni Francisco ang abusadong mga pulis sa kanyang panunungkulan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ex-Pres. Duterte handang maging abogado para kay VP Sara Duterte

    Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nagboluntaryong bilang maging abogado ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.       Sinabi ng bise presidente, na handang maging isa sa mga abogado niya ang dating pangulo sa mga kasong kinakaharap kabilang na ang impeachment case.     Nahaharap kasi sa tatlong impeachment complaints ang […]

  • Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos

    SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at  King Charles III.     Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation  nitong weekend.     Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina […]

  • Happy sa bagong ini-endorse dahil effective at mura pa: MARIAN, aminadong adik sa lotion at nilalagyan si DINGDONG ‘pag tulog na

    DAHIL sa tagumpay ng premium beauty and wellness brand na Beautéderm, ipinakilala sa media at merkado ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang bago niyang kompanya na BlancPro.   Bagong player sa beauty industry, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng Beautéderm at ito ay nag o-offer ng epektibong skincare products sa mababang halaga na […]