• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oplan baklas, maagang ipinatupad sa Quezon City

PUSPUSAN ang isinasagawang Oplan Baklas ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City upang mabawasan ang maling paglalagay ng mga election paraphernalia sa kanilang lugar.
Sinuyod ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety at Traffic and Transport Management Department ang mga lugar sa CP Garcia, Katipunan Avenue, Xavierville, East Avenue, Tomas Morato, Kamuning, Timog, Anonas, at E. Rodriguez ngayong araw.
Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan na bawal ang pagkakabit ng election materials sa mga poste ng kuryente, pampublikong kagamitan at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass sa lungsod.
Magpapatuloy umano ito hanggang sa pagpasok ng campaign period.
Pinaburan naman ng Comelec ang hakbang na ito ng QC LGU dahil sila man ay nananawagan ng responsableng paglalagay ng posters, maging ito man ay mula sa politiko, ads ng kompaniya, promo o anumang aktibidad.
Other News
  • Oribiana nilinaw ang papel nina Garcia, Gavina sa RoS

    KLINARO ng Rain or Shine management na si coach Chris Gavina ang tatawag ng plays at magsasabi ng instructions para sa Elasto Painters sa 46th PBA Philippine Cup 2021 simula sa April 9, habang si dating mentor Carlos ‘Caloy’ Garcia ay parte ng national men’s basketball training team program.     Ipinahayag Lunes ni ROS […]

  • MTPB TRAFFIC ENFORCER NAKIPAGHABULAN SA MGA SNATCHER, 2 MENOR DE EDAD ARESTADO

    NAARESTO ng isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang dalawang menor de edad  na nang-agaw ng cellphone sa  isang senior citizen na naglalakad sa Tondo, Maynila.     Hawak ngayon ng Manila Social Welafre and Development  ang naarestong suspek  na ang isa ay nasa edad 15 at ang isa ay nasa […]

  • China, ibinasura ang ‘unwarranted accusation’ ng Pinas ukol sa fishing ban

    IBINASURA ng China ang “unwarranted accusation” o protesta ng gobyerno ng Pilipinas laban sa unilateral imposition nito sa fishing ban sa mga lugar na extended sa West Philippine Sea (WPS).     Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ang naging deklarasyon ng Beijing na fishing ban, na naging epektibo noong Mayo 1 […]