‘OPLAN Kaluluwa’ ikinasa na ng PNP bago ang All Souls and All Saints Day
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGANA na ng Philippine National Police (PNP) ang OPLAN kaluluwa kahit nasa pandemiya pa ang bansa.
Ito ay bahagi ng preemptive measure sa mga sementeryo na dinagsa na ng publiko bago ang pagsasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.
Paliwanag ni PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan, hindi mapipigilan ang publiko sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay kaya asahan na may mga magbibiyahe kaya inatasan na niya ang Highway Patrol Group na tiyakin ang kaligtasan ng motorista.
Inalerto na rin ni Cascolan ang kaniyang mga regional at provincial directors upang matiyak ang kapayapaan sa kanilang mga nasasakupan lalo na’t inaasahan ang maraming lalabas para sa maagang pagdalaw sa sementeryo.
Inatasan na rin ang Barangay Enforcement Teams at marshall upang magsekyur ng paligid.
Para sa mabilis na pagdulog sa pulisya sakaling maitala ang hindi inasahang pangyayari, ipinatayo na rin ni Cascolan ang mga assistance desk sa lahat ng strategic areas ng mga highway kasama na ang paligid ng sementeryo.
At para naman sa mabilis na responde, pinaalerto na rin ni Cascolan sa chief of police ang Barangay Peacekeeping Action Teams na siyang magroronda sa kanilang nasasakupan.
-
Ads December 3, 2024
-
Mga guro tutukan sa gitna ng pandemya – Gatchalian
SA pagdiriwang ng National Teacher’s Month, inihayag ni Senador win Gatchalian na dapat tutukan ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga guro sa gitna ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic. Para kay Gatchalian, ito ang pinakamabuting pamamaraan upang ipagdiwang ang National Teacher’s Month na magpapatuloy hanggang Oktubre 5, araw ng World […]
-
Batas na magpapataw ng mas maraming buwis sa Pogo, tinintahan na ni pdu30
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magtatakda ng karagdagang buwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs). “Pinirmahan kahapon, September 22, 2021, ang Republic Act No. 11590 or an Act taxing Philippine Offshore Gaming Operations,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Bahagi ito sa ating mahigpit na pagri-regulate ng lahat ng […]