• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Orbon, Tsukii, iba pang karateka di sasantuhin ang COVID-19

WALANG paki sa novel coronavirus o COVID-19 sina Fil-Am Joan Orbon, foreign coach Okay Arpa at Fil-Jap Junna Tsukii, habang binabasa ninyo ito ay tapos na ang kanilang nilahukang United Arab Emirates World Karate Federation (WKF) Premier League sa Dubai sa Pebrero 14-16.

 

Mula sa Manila sina Orbon at Arpa na pumunta ng UAE nitong Miyerkoles ng ika-12 ng Pebrero, habang mula sa Kazakhstan training camp si Tsukii na gaya ni Orbon ay paghahabol na mga mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

 

Mahalaga kay Orbon ang torneo na nagsisilbing exposure matapos maging inactive sa nakalipas na siyam na buwan bilang paghahanda sa huling Olympic qualifying event sa Mayo sa Paris, France.

 

Malakas naman ang tsansa ni Tsukii na makapuntos sa Dubai Premier League dahil hindi kasali ang karibal na Chinese karateka na world No. 3 sa rankings ng women’s -50kg dahil sa ipinapatupad na mga travel ban sa mga Chinese national na pinagmulan ng COVID-19.

 

Napag-iiwanan si Tsukii sa puntos ng Chinese nang mahigit 1,000 para sa No. 2 spot na siyang may silya sa Continental quota para sa Tokyo Games bago mag-deadline para sa direct qualification sa Abril 6.

 

‘Di rin makakalahok ang ilang world ranked karatekas sa torneo na mga umatras sa karatefest dahil sa pangamba sa paglaganap ng nakamamatay na virus.

 

Ang kawalan ng mga top ranked karateka sa Dubai Premier League ang magpapalakas sa kampanya ni Tsukii lalo kung makamedalya upang makadikit sa Chinese.

 

Sasalang pa ang dalawang karatista sa Salzburg Premier League sa Peb. 24-Marso 1 sa Austria at WKF Premier League sa Rabat, Morocco sa Marso 9-12.

 

Magbabalik sina Orbon at Arpa sa Maynila ngayong Lunes ng umaga para makasama ang iba pang miyembro pambansang koponan na sina Jaime Lim, Ivan Agustin, Sharif Affif, Alwin Batican at coach Junel Perania, na lulusob naman Ukraine kinagabihan para sa training at exposure sa Ukraine Premier League sa Marso 21-22.

 

Dederetso ang limang karateka sa Turkey training camp bilang paghahanda sa huling Olympic qualifier sa Paris, France sa Mayo kung saan ang top three finishers ay awtomatikong susulong sa quadrennial sportsfest.
Good luck guys, bring home the bacon of any color!

Other News
  • Bading natagpuang tadtad ng saksak

    DAHIL sa mabahong amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang 44-anyos na bading na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanyang inuupahang tindahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Sa nakarating na report kay Malabon Police Chief Col. Angela Rejano, ala-1:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang […]

  • Text scams, maaaring galing sa labas ng Pinas-DICT

    MAAARING galing sa labas ng Pilipinas ang nasa likod o surce ng personalized text scams o unsolicited text messages.     Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Alexander Ramos, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang  international counterparts para idetermina kung mayroon silang naitala na magtuturo sa  IP address ng destination servers na […]

  • Romualdez nag-surprise inspection sa presyo ng sibuyas, bigas; hoarders binalaan

    NAGSAGAWA ng surprised inspection sa dalawang malalaking palengke sa lungsod Quezon si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang malaman ang presyo ng mga pangunahing bilihin kabilang ang bigas at sibuyas.     Ayon kay Romualdez, nakatanggap sila ng report na tumataas ang presyo ng sibuyas at bigas kaya minabuti nilang inspeksiyunin ang mga palengke […]