Oribiana nilinaw ang papel nina Garcia, Gavina sa RoS
- Published on March 10, 2021
- by @peoplesbalita
KLINARO ng Rain or Shine management na si coach Chris Gavina ang tatawag ng plays at magsasabi ng instructions para sa Elasto Painters sa 46th PBA Philippine Cup 2021 simula sa April 9, habang si dating mentor Carlos ‘Caloy’ Garcia ay parte ng national men’s basketball training team program.
Ipinahayag Lunes ni ROS Alternate Governor Edison Oribiana, na si Gavina ang mangangalaga sa “micro” management samantalang si Garcia na ginawang active consultant, ang bahala sa “macro” management lalo’t gugugululin ang kanyang oras sa training at actual competition ng PH team.
Pinaghahandaan ng Pinoy quintet sa taong ito ang Olympic Qualifying Tournament sa Serbia sa June 29-July 4, 30th Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga sa June 14-20, 30th Asia Cup proper sa August 16-28 sa Jakarta, 31st SEA Games sa Hanoi sa November 21-December 2, 19th Asian Games 2022 sa Zhejiang, at 19th World Cup 2023 sa ‘Pinas, Japan at Indonesia.
“It means he will have less time to personally supervise the training and development of his mother team and with the unpredictable schedule of the tournaments there will be conflicts even with actual games of the PBA. We can’t tell him to just politely beg off because we are also an ardent supporter of our National Team ever since,” litanya ni Oribiana.
Hinirit pa niya na pinagpasyahan ang designasyon ni Garcia nina co-team owner Raymond Yu at Terry Que. (REC)
-
Mga Pinoy sa cruise ship na nagpositibo sa COVID-19, umakyat pa sa 41 – DOH
Pumalo na sa 41 ang bilang ng mga Pilipinong sakay ng naka-quarantine na MV Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19). Anim pang Pinoy ang nakumpirmang positibo sa sakit nitong Miyerkoles, ayon sa Department of Health. Pawang mga crew member umano ang dinapuan ng virus. Kaugnay nito, inaayos […]
-
FEU Manila A tumapos sa Magic 10 ng online chess
TUMAPOS sa top 10 ang Far Eastern University-Manila A sa kasusulong lang at sinalihan ng 125 teams na Kasparov Chess Foundation University Cup via online. Pinangunahan Morayta-based woodpushers si Darry Bernardo, kasapi ng national para chess team, na umiskor ng eighth sa posibleng nine points sa Board 4, at sa sinilat niya si […]
-
Ads May 11, 2022