• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Outstanding Asian Star Prize’ sa 17th SDA: BELLE, tinalo si DONNY at mga kapwa-ABS-CBN artists

WE don’t say no to our mentors, lalo na kung ang mentor is someone like Chito S. Rono.

 

Kaya sure kami na yes agad ang naging sagot ng award-winning actor na si Christian Bables kay direk Chito nang alukin siya to play a role sa ABS-CBN remake ng classic Pinoy superhero character na si ‘Darna.’

 

Christian holds Direk Chito in high esteem. Siya lang naman ang naging director niya sa award-winning movie na ‘Signal Rock’ noong 2018.

 

Ito ang follow-up ni Christian sa award-winning performance niya sa ‘Die Beautiful’ for which he won Best Supporting Actor trophies mula sa Metro Manila Film Festival, Gawad Urian at Luna Awards.

 

Besides, it is an honor na maging bahagi ng remake ng ‘Darna’ na, kahit na matagal ang ipinaghintay, ay worth the long wait dahil maganda ang serye at mataas ang production values.

 

Sa ‘Darna’ ay ipinakita na ang karakter ni Christian na lumulusot siya sa dingding at may hawak siyang syringe nang pumasok siya sa isang ospital.

 

Siya ang bagong “extra” na makakalaban ni Darna.

 

For sure, ikininatuwa ni Christian na nagkaroon ng role sa ‘Darna.’

 

 

***

 

 

TIYAK na masaya ang followers ni Belle Mariano dahil kapapanalo lang ng dalaga ng Outstanding Asian Star Prize sa 2022 Seoul International Drama Awards (SDA).

 

 

Tinalo ng bida ng ‘He’s Into Her’ ang 175 na male and female stars na nag-compete for the award, ayon sa Star Magic, ang kanyang talent agency. Mariano is among the five honorees from the region.

 

 

Kabilang sa mga tinalo ni Bella ay kapwa niya ABS-CBN artists na sina Donny Pangilinan (ang kanyang screen partner), Charlie Dizon, Dimples Romana, Jake Cuenca, Maris Racal, Karla Estrada at Zanjoe Marudo.

 

 

Bagong career milestone kay Belle ang panalo bilang Outstanding Asian Star. Bukod sa ‘He’s Into Her’, lumabas din siya sa ‘Love Is Color Blind’ at naglabas ng debut album titled ‘Daylight’ at nagkaroon ng solo concert.

 

 

Kabilang sa dating winners ng Asian Star prize sa SDA ang mga Kapuso actors na sina Alden Richards noong 2019 at Dingdong Dantes noong 2020.

 

 

Ang mga 2022 honorees ay gagawaran ng parangal sa 17th Seoul Drama Awards ceremony sa South Korean capital sa September 22.

 

 

Founded in 2006, ang SDA ay sinasabing bukod tanging international drama festival sa South Korea that puts the spotlight on drama trends across the globe.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Marcial pasok sa Q’finals

    Kaagad nagpakita ng bangis si flag bearer Eumir Felix Marcial matapos magposte ng isang first-round stoppage sa kanyang Olympic Games debut.     Umiskor si Marcial ng isang RSC-I (Referee Stops Contest – Injury) win sa 2:41 minuto ng first round para sibakin si Algerian Younes Nemouchi sa kanilang round-of-16 middleweight fight.     Itinigil […]

  • DOTr naghahanap ng karagdagan pondo upang ipagpatuloy ang libreng sakay sa EDSA Carousel

    NAGHAHANAP ng karagdagan pondo ang Department of Transportation (DOTr) na nagkakahalaga ng P1.4 billion upang maipagpatuloy ang programang libreng sakay sa EDSA Carousel.       “The libreng sakay program demands a certain funding If we want to implement the free bus rides until December, we will need additional funding of around P1.4 billion, which […]

  • Go, may buwelta naman kay Gordon

    Nagmistulang domino effect na ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador.     Dahil matapos ang mga panibagong banat ng presidente, bumuwelta naman agad si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.     Bagama’t hindi raw siya natitinag sa personal na mga atake, hindi raw naman niya mapigilang hindi sumagot para […]