• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OVERSTAYING NA CHINESE NATIONAL INARESTO SA PROSTITUTION

INARESTO ng  Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na  Chinese national matapos na puwersahang pagtrabahuin ang isang babaeng Korean  bilang isang prostitutes sa kanyang mga kababayan dito sa Pilipinas.

 

 

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni  BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang dayuhan na si Jin Mingchun, 35 na inaresto sa Parañaque City na armado ng mission order na inisyu ni Morente matapos na nalaman na overstaying na ito ng dalawang taon.

 

 

Ipinag-utos din ni Morente ang legal division ng kagawaran na ipatupad ang deportation proceedings laban kay Jin  dahil sa pagiging overstaying at undesirable alien.

 

 

“Aliens like him who prey on women do not deserve the privilege to stay in the country. They should be expelled and banned from re-entering the Philippines,” ayon kay Morente.

 

 

Ayon kay Manahan, si Jin ay inaresto dahil sa reklamo na natanggap ng kagawaran mula sa isang informant  na nakatrabaho ng Koreana.

 

 

Nabatid na pinuwersa ni Jin ang Koreana na magtrabaho bilang isang prostitutes sa pamamagitan ng pagkumpiska ng kanyang passport at nagdodroga bago sila lumabas ng kanilang tinutuluyang hotel.

 

 

Si Jin ay kasalukuyang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City.( GENE ADSUARA )

Other News
  • Matapang na sinagot ang mga nam-bash sa kanya: LIZA, sang-ayon sa sinabi ni OGIE at ‘grateful’ sa lahat ng naitulong

    SA exclusive interview ng ABS-CBN News, buong tapang na sinagot ni Liza Soberano ang mga namba-bash sa kanya na tinawag siyang “ungrateful”, “ingrata”, “walang utang na loob” at kung ano-ano pa.   After nga ito nang ilabas niya ang YouTube vlog kung saan nagbahagi siya ng mga saloobin at pananaw sa 13-year showbiz career sa […]

  • Sabong balik-ruweda na; pagkakaisa ng gamefowl associations kinilala ng GAB

    SA unti-unting pagbabalik ng sabong (cockfighting), nananalaytay muli ang sigla ng mga Pinoy na nakasandal sa industriya at naisakatuparan ito dahil nagkaisa at nagtulungan ang lahat ng indibidwal at grupo na kaagapay sa kabuhayan ng sambayanan.   Mismong si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang per- sonal na nagpasalamat at nagbigay […]

  • NAMARIL NA PULIS MAYNILA, PINAGHAHANAP

    PINAGHAHANAP ng Manila Police ang kanilang kabaro matapos na umano’y barilin ang isang lalaki na nagresulta sa kanyang kamatayan at pagkakasugatn ang isa pa sa Tondo Maynila kahapon ng  madaling araw.   Hindi na umabot ng buhay sa  Tondo Medical Center ang biktimang si Joseph Marga, 32, binata, elevator installer at residente ng Blk.6 JP […]