OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund
- Published on September 3, 2022
- by @peoplesbalita
DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal.
Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac na ang P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance, “Libreng Sakay” project, at livelihood programs.
Habang ang P500-million “confidential expenses” ay gagamitin naman sa mga programang may kinalaman sa peace and order, at national security.
“The confidential fund was requested and will be utilized using the parameters set by the DBM (Department of Budget and Management) and the COA (Commission on Audit) in their joint circular,” ayon kay Munsayac.
“The position and mandate of the Vice President allows her to utilize those kinds of funds regarding peace and order and national security, especially [since] we have livelihood projects that will be implemented in conflict areas,” dagdag na pahayag nito.
At nang hingan ng komento sa usapin na mas mataas ang budget na hiningi ni Duterte kumpara sa budget ni dating Vice President Leni Robredo, sinabi ni Munsayac na may sariling “priority projects” ang bawat ahensiya ng pamahalaan.
“Bawat po head of agency, executive man yan o kung anong ahensya hawak niya, mayroon po silang priority projects at kami po, ang request namin na budget, iyan iyong sa tingin namin kailangan namin para i-implement namin iyong mga priority projects namin,” anito.
“Siguro iyong nakaraang administrasyon, mayroon silang certain projects at iyong budget nila ay sufficient na para doon,” ayon pa rin kay Munsayac.
Tiniyak ni Munsayac na magiging transparent ang OVP sa paghawak ng pondo. (Daris Jose)
-
Naging open noon sa maraming insecurities: KELVIN, nako-control at stable na ang mental health
PINAKA-BUSY na Kapuso actor ngayon si Kelvin Miranda dahil tatlong pelikula ang natapos niyang gawin at isa roon ay ang romance film with Miles Ocampo and Chie Filomeno titled ‘Missed Connections’ na available na for streaming on Netflix. Marami raw natutunan ang aktor sa kanyang role at sana ay may mapulot din ang […]
-
Covid-19 vaccination sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games, inaprubahan na
INAPRUBAHAN ng gobyerno ang panukalang iprayoridad ang COVID-19 vaccination sa mga atletang Filipino at opisyal bago pa magtungo ang mga ito sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang maagang pagbabakuna sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na sport […]
-
SUNDALO INALOK NG SHABU, VENDOR KULONG
SWAK sa kalaboso ang isang fruit vendor dahil sa halip na prutas ay shabu ang inalok niya sa isang sundalo na noon ay nakasuot damit pang sibilyan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Arsenio […]