Paggamit ng SUCs bilang quarantine facility, tuluy-tuloy lang-CHED
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
Tuluy-tuloy ang paggamit ng State Universities at Colleges SUCs bilang quarantine facilities hanggang kailangan ng local governments ang pasilidad ng state universities.
Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) CHED Chairman Prospero De Vera na may 28 state unviersities at colleges ang ginagamit ngayon bilang quarantine facilities habang nananatiling ipinagbabawal ang klase sa mga campus dahil sa coronavirus pandemic.
Simula pa noong Hunyo, inalok na ng SUCs ang kanilang mga campus sa local governments para magamit bilang quarantine facilities.
Tinatayang may 20,000 locally-stranded individuals, asymptomatic patients, at suspected COVID-19 cases ang napagsilbihan ng campus na ito.
Ang paggamit aniya ng campuses bilang quarantine facilities ay pinayagan lalo pa’t hindi naman pinayagan ang in-person classes ngayong taon.
Tiniyak naman ni De Vera na ang skeleton workforce na nangangailangan ng physically report sa mga eskuwelahan ay ligtas dahil tanging bahagi lamang ng campus ang ginagamit bilang quarantine facilities.
“Sinigurado sa pagpili ng facility na ito ‘yong pinakaligtas na bahagi ng pamantasan,” anito.
Idinagdag pa ni De Vera na binigyan ng pondo ng komisyon ang mga state universities upang patuloy na makapag-produce ang mga face masks, face shields at disinfectants.
Ang financial assistance ay gagamitin rin para makapag-provide ng psychosocial assistance sa mga students at faculty members.
Samantala, sinabi ni De Vera na may 731 mula sa 2,400 higher education institutions (HEIs) ng bansa ang nakatakdang magsimula ng klase ngayong Agosto.
“The CHED has implemented a “rolling opening of classes” where universities and colleges start the academic year depending on their readiness to implement remote methods of learning,” ayon kay De Vera. (Daris Jose)
-
Pagbili ng submarine, nananatili pa ring bahagi ng plano ng Pinas- PBBM
NANANATILI pa ring bahagi ng plano ng Pilipinas ang pagbili ng submarine matapos ang development ng anti-submarine capabilitie nito. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng submarine ay ” still part of our plan,” sa isang ambush interview sa isinagawang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Navy (PN). […]
-
Marijuana plantation, sinalakay ng NBI
SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Marijuana plantation sa boundary ng La Union at Ilocos Sur sa pagpapaigting ng kampanya laban sa illegal drug trade sa bansa. Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na katuwang ng ahensya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement […]
-
Mga taong may altapresyon o highblood, pinaalalahanan ni Dr. Bravo
PINAALALAHANAN ni Philippine Foundation for Vaccination executive director Dr. Lulu Bravo ang mga taong may hypertension bago pa magpaturok ng bakuna laban COVID-19. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Dr. Bravo na bago pa pumunta sa vaccination centers ang taong may altrapresyon ay kailangang siguraduhin nito na ang kanyang blood pressure ay […]