• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1.3B halaga ng tulong para sa 90-day Mayon response; mga bakwit, nagkasakit-OCD

MAHIGIT sa P1.3 bilyong halaga ng relief assistance ang inihanda na ng national government para tugunan ang pangangailangan ng mga residente na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa loob ng 90 araw.

 

 

Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, mayroong “constant communication” ang mga concerned national government agencies at local government units (LGUs) para i-coordinate ang kanilang gagawing pagtugon sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkan at kalusugan ng mga indibidwal na apektado sa  Albay.

 

 

“Ang paghahanda po namin ay nasa 90 days ang tinitignan natin. Kung matapos nang maaga, mas mabuti po iyon pero dapat handa po ang pamahalaan, national government at local government sa minimum of 90 days,” ayon kay Nepomuceno.

 

 

“Nakapreposition po ang pamahalaan ng mahigit P1.3 billion worth of assistance. Ito ‘yung pagkain, hygiene kits, at iba pang pangangailangan lalo na ang tubig,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang 90-day preparation ayon kay Nepomuceno ay batay sa nakalipas na karanasan ng Albay local government nang pumutok ang Bulkan noong 2014 at 2018.

 

 

“Naging 90 days ‘yung nangyari na nagtagal sa Level 3 at pumitik pa sa Level 4 ‘yung sitwasyon kaya dapat ready po,” pag-alala ni Nepomuceno.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon at may kabuuang 10,146 pamilya o 38,961 indibidwal mula sa Bacacay, Camalig, Ligao, Daraga, Guinobatan, Malilipot, Sto. Domingo, at Tabaco ang labis na naapektuhan ng nagpapatuloy na volcanic activities sa Mayon.

 

 

Sa nasabing bilang, may kabuuang 5,466  pamilya o 18,892 ang nananatili sa  28 evacuation centers.

 

 

“Ang maaaring challenging lang po from Level 3 kapag ginawang Level 4 hanggang level 5 ng Phivolcs [Philippine Institute of Volcanology and Seismology], halos mado-doble po ang ating mga aalalayan sa evacuation centers,” ang paliwanag ni Nepomuceno.

 

 

Aniya, kung ang alert level ay itinaas, ang mga nakatira sa  extended Permanent Danger Zone (PDZ) ay kailangan na ilikas.

 

 

Samantala, may kabuuang 628 bakwit ang kailangan ng medical attention dahil sa iba’t ibang sakit na nakuha ng mga ito.

 

 

Ito’y base sa monitoring ng OCD mula Hunyo 12 hanggang 17.

 

 

Ang  top 10 most common illnesses na naranasan ng mga bakwit ay ubo at sipon, lagnat, acute respiratory infection, sakit ng ulo, hypertension, pagkahilo, skin disease, abdominal pain, at acute gastroenteritis.

 

 

Sinabi ni OCD spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV na hindi naman ito dapat na maging “cause for concern” dahil nananatiling “manageable” ang sitwasyon.

 

 

“There’s no outbreak [of diseases],” ayon kay Alejandro sabay sabing “The Department of Health is conducting medical missions to distribute medicines, do checkups, and isolate those who have cold and fever.”  (Daris Jose)

Other News
  • DA at DoJ, sanib-puwersa sa paglikha ng “green jobs” para sa PDL

    SANIB-PUWERSA ang Department of Agriculture at  Department of Justice  sa paglikha ng ” sustainable green jobs” para sa mga persons deprived of liberty (PDL) o mga preso.     Nauna nang sinaksihan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa  isang kasunduan sa pagitan ng mga ahensiya para sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for […]

  • P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators

    TARGET  ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.     Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na […]

  • Dahil hindi pa makalibot sa buong bansa: HERBERT, nakiuso na rin sa pagkakaroon ng sariling YouTube channel

    JOIN na rin si Senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista sa uso and that is having his own You Tube channel.     Maganda ang ginawang ito ng former Quezon City Mayor dahil mas maraming pwedeng na siyang ma-reach na voters via his YouTube Official Channel, lalo na at palapit na ang campaign period.     […]