• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1.9-M halaga ng smuggled na sibuyas nakumpiska ng PNP at Bureau of Customs sa Tondo, Manila

LIBO-LIBONG sako ng smuggled yellow onions o sibuyas na nagkakahalaga ng P1.9 million ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Customs (BOC) sa ikinasang operasyon sa Tondo, Manila.

 

 

Kasama rin sa naturang operasyon ang mga tauhan ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry at Philippine Coast Guard.

 

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang naturang operasyon ay may kaugnayan sa RA 10611 “Food Safety Act of 2013” batay sa inilabas na Letters of Authority (LOA) na inilabas ni Bureau of Customs Acting Commissioner Yogi Filemon Ruiz na nagresulta sa pag kumpiska sa nasa 1,037 bags na sibuyas na dilaw na agad namang naiturn-over sa Bureau of Plant Industry para sa gagawing inventory and proper disposition.

 

 

Sa kabilang dako, pinuri naman ni NCRPO chief, PBGen. Jonnel Estomo ang matagumpay na joint law enforcement operations

 

 

“While there is a soar in the price of onions and possible shortage, some are taking advantage of the situation and imported illegally. Hindi po natin hahayaan ang mga mapagsamantala na gamitin at pagkakitaan ang ating mga kababayan. Ang kapulisan ay handang makipagtulungan upang masawata ang iba pang smuggled goods naipapasok sa ating bansa lalong lalo na sa Metro Manila. ” pahayag ni Estomo. (Daris Jose)

Other News
  • Beyond Compliant Gawad Kalasag

    GINAWARAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Beyond Compliant Gawad Kalasag (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal para sa taong 2024. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang karangalang ito ay kanilang nakamit dahil sa pagsasama-sama ng bawat Navoteño para mananatiling handa at […]

  • 16 milyong bakuna darating ngayong Hulyo

    May 16 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.     Habang sa Agosto naman makakatanggap ang bansa ng 14 milyong dose ng bakuna.     Sa Hulyo 14, mas marami pang doses ng Sinovac ang darating na gagamitin sa mga priority areas kabilang dito […]

  • ICC, dadaan sa butas ng karayom bago mailantad ang katotohanan sa drug war sa bansa

    DADAAN SA BUTAS ng karayom at magiging mahirap para sa International Criminal Court na ilantad ang katotohanan sa drug war sa bansa.   Ito’y dahil na rin sa posisyon ng Philippine government na hindi makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa nasabing usapin.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na […]