P1 fare hike hindi pinayagan ng LTFRB
- Published on March 23, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI PINAGBIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga grupo ng transportasyon na mabigyan sila ng P1 provisional minimum fare increase sa public utility jeepneys (PUJs).
Sinabi ni LTFRB executive director Maria Kristina Cassion na kanilang binigyan konsiderasyon ang assessment ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa magiging inflationary effects nito sa ekonomiya.
“When these costs are transferred to the consumers as higher transportation expenses, it will also reduce the purchasing power of the general public,” wika ni Cassion.
Ang nasabing petisyon ay inihain ng Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association (Pasang Masda) upang maging P10 ang minimum na pamasahe.
Noong 2018, ang LTFRB ay inaprobahan ang P1 fare increase upang matugunan ang tumaas na presyo ng gasolina at krudo subalit muling binalik ng ahensya sa P9 ang minimum na pamasahe ng bumaba na ang presyo ng krudo.
Sinabi naman ni Pasang Masda president Roberto Martin na payag silang hind ibigay ang kanilang kahilingan na P1 fare increase subalit kinakailangan na ang pamahalaan ay ituloy pa rin ang programa sa service contracting kung saan ang mga public utility vehicle (PUV) drivers at operators ay babayaran sa kanilang tinakbong ruta.
“As long as the service contracting is there, many drivers will be glad,” sabi ni Martin.
Ngayon lingo ito naman ay sinimulan na ng Land Bank of the Philippines ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga jeepney drivers sa ilalim ng programang Pantawid Pasada. May 377,00 na drivers at operators ng jeepneys, UV express, taxis, tricycles at iba pang full-time ride-hailing at delivery services ang inaasahang mabibigyan ng P6,500 na ayuda mula sa pamahalaan.
Nauna ng inaprobahan ng pamahalaan ang pag release ng pondo na nagkakahalaga ng P2.5 billon para sa nasabing programa kung saan ang P1.75 billion ay nakalaan para sa mga public utility vehicles sa pangagasiwa ng LTFRB.
Ang natitirang P625 million naman ay ipamamahagi sa mga tricycle drivers at operators habang ang P125 million ay para naman sa mga delivery services.
Samantala, nakikipagusap naman ang Grab Philippines para sa inihain na P15 base fare increase ng grupong transport network vehicle services (TNVS) dahil na rin sa tumataas na presyo ng gasolina. Noong nakaraang November pa naghain sa LTFRB ang MyTaxi.PH Inc (Grab) para sa kanilang petisyon.
“The proposed fare increase for TNVS includes P5 increase in the flag down rate of P40 for a car/sedan, and P10 increase in the flag down rate of P50 for premium AUV/SUV,” saad ng Grab.
Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay nagsubmit na ng listahan para sa mga delivery riders sa LTFRB para sa fuel subsidy ng pamahalaan. Kasama sa listahan ang mga pangalan ng mga delivery riders, independent delivery riders na gamit ang platforms na tinatawag na “last mile delivery service provider.”
Sa kabilang dako pa rin, sinabi naman ni presidential candidate Panfilo Lacson na dapat ay kasama rin sa fuel subsidy ang mga colorum na drivers sapagkat sila rin ay naapektuhan ng pagtaas ng krudo. LASACMAR
-
Work from home, opsyonal sa ilalim ng Alert Level 1- DTI chief Lopez
MAGIGING opisyal ang work from home arrangement sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 sa susunod na buwan dahil sa pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa. Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang onsite work ay hinihikayat sa ilalim ng Alert Level 1. “Ie-encourage ‘yung onsite work […]
-
Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang LGUs
HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14. Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos […]
-
Makaka-triangle pa nila si KELVIN: First team-up nina BIANCA at KEN, pinasilip na sa Kapuso televiewers
NA–EXCITE ang televiewers sa finale episode ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, last Friday nang bago natapos ang isang eksena ni Steffy (Barbie Forteza) ay biglang pumasok si Kapuso actress Bianca Umali. Kinausap si Steffy, samantalang hindi naman siya kasama sa cast, at maya-maya ay sinundan pa siya ni Ken Chan, at […]