• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1 milyon swak sa PAGCOR Bingo

LIMPAK ang cash prizes sa mga tumatangkilik sa bingo sa ikalawang pagdaraos ng “P1K for P1M” PAGCOR-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22, sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel, Ermita, Maynila.

 

Matapos ang matagumpay na unang yugto ng programa nitong Enero 25, magbabalik ang pinakahihintay na laro ng sambayanan upang muling magbigay ng kasiyahan at katuparan ng pangarap. Sa halagang P1,000, may apat na ticket cards para sa 10 games ang kalahok na magagamit sa laro.

 

Pagkalipas nang matagumpay na unang pagsasadawa nitong Enero 25, magkakatsansang muli ang mga bingo player para maiuwi ang premyo ng Game 10 sa halagang P1,000. Bawat ticket ay may kapalit na apat na cards per game para sa 10 games.

 

Halangang P100,000 cash prize ang nakataya para sa Games 1 to 9 na magsisimula alas-dos nang hapon.

 

Sa mga interesadong lumahok, puwedeng maglaro sa CF Manila Bay o kahit saang nga sangay CF sa Angeles, Bacolod, Carmona, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon, Olongapo, Parkmall (Cebu), Ronquillo (Manila), Tagaytay at Talisay (Cebu).

 

Bukod sa Pebrero 22, nakatakda rin ang “P1K for P1M” sa Marso 28, Abril 18, Mayo 23, Hunyo 13, Hulyo 18, Agosto 22, Setyembre 26, Oktubre 17, Novbyembre 14 at Disyembre 19.

 

Sa karagdagang impormasyon, tumawag lang sa PAGCOR Bingo Department 7755-3699 locals 7201 hanggang 7204 o bumisita sa website na www.pagcor.ph at www.casinofilipino.ph. (REC)

Other News
  • PBBM, nagpositibo sa antigen test sa Covid-19

    NAGPOSITIBO  sa antigen test para sa Covid-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na may bahagyang lagnat ang Pangulo ngayon subalit  “he’s okay.”     Aniya pa, pinayuhan na ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga taong  nakasalamuha o nagkaroon ng close contact […]

  • PDu30, nagparehistro na para sa National Identification System

    OPISYAL nang rehistrado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa National Identification System. Sa katunayan ay sinadya pa ng mga taga-Philippine Statistics Authority si Pangulong Duterte sa Malakanyang. Sa photo release ng Malakanyang, makikita na sumailalim sa biometric information ang Pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito. Kasabay naman ng Punong […]

  • Apela na bawiin ang deployment ban sa mga health workers

    HIHINTAYIN muna ng Inter-Agency Task Force ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa apela na bawiin ang  deployment ban sa health workers,   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na  pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang mga nurses at iba pang  medical workers na may kontrata na nilagdaan “as […]