• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P100 daily wage hike bill aprub na sa Senate

INAPRUBAHAN na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang landmark bill na nagmumungkahi ng P100 pagtaas sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

 

 

Bumoto pabor ang 20 senador sa Senate Bill No. 2534 samantalang hindi naman nakaboto at wala sa session hall sina Senators Imee Marcos, Lito Lapid, Cynthia Villar, at Mark Villar.

 

 

Nauna nang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, co-sponsor ng panukala na kung lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., maaaring ito ang “­unang pagkakataon mula noong 1989” na magkakaroon ng pagtaas sa sahod sa pamamagitan ng isang batas.

 

 

Binigyang-diin din ni Zubiri ang mahigpit na pangangailangang taasan ang minimum na sahod ng mga manggagawa, partikular sa Visayas at Mindanao na kasalukuyang kumikita lamang ng P360 kada araw.

 

 

Sinabi ni Zubiri na imposibleng magkaroon ng maayos na buhay ang isang pamilya na ang nagta-trabaho ay kumikita lamang ng P360 isang araw.

 

 

Sinabi naman ni Sen. Jinggoy Estrada, nag-sponsor ng panukalang batas na ginagarantiyahan ng panukala ang pagtaas sa araw-araw na sahod ng humigit-kumulang 4.2 milyong minimum wage earners.

 

 

Sa ilalim ng panukala, lahat ng empleyado sa pribadong sektor, agricultural man o non-agricultural, ay may karapatan sa P100-araw-araw na minimum wage increase.

 

 

Samantala, nilinaw ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi intensiyon ng batas na maapektuhan ang Republic Act 6727 at 9178, ang Wage Rationalization Act at Barangay Micro Business Enterprise Act.

 

 

Hindi aniya kasama sa panukala ang mga establisyemento na wala pang 10 ang empleyado at wala pang P3 milyon ang kapital kung nakarehistro sa ilalim ng RA 9178. (Daris Jose)

Other News
  • Mas mabigat na parusa sa mga law enforcers na sangkot sa pagtatakip sa krimen, isinulong

    ISINUSULONG  ng isang mambabatas ang panukalang pagataw ng mas mabigat na parusa sa law enforcers at ibang persons in authority na sangkot sa pagtatakip o paggalaw sa ebidensiya sa mga kaso na may kaugnayan sa drugs at iba ang heinous crimes.     Sa panukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, nais nitong […]

  • US FDA nagbigay na nang ’emergency authorization’ sa COVID-19 vaccine ng Pfizer

    Pormal nang inirekomenda ng US Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbibigay authorization sa COVID-19 vaccine ng Pfizer.   Inilabas ang emergency use authorization (EUA) matapos ang ginawang virtual meeting ng 21 Vaccines and Related Biological Products Advisory Committee.   Mayroong 17 sa mga expert panel ang sumang-ayon sa pagbibigay authorization sa bakuna habang apat […]

  • Metro Manila Subway nag-groundbreaking sa Pasig

    PINANGUNAHAN ni President Ferdinand R. Marcos ang groundbreaking ng pagtatayo ng istasyon para sa Metro Manila Subway Project sa Pasig City na isa sa pinakamalaking imprastruktura sa ilalim ng Marcos administration.       “Let the breaking ground of this subway system signal our intention to the world to pursue even grander dreams and more […]