• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P150 umento sa sahod sa private sector, iginiit

DAHIL sa sobrang mahal ng mga bilihin, isinulong sa Kamara ang Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong ipatupad ang across the board wage recovery na P150 umento sa arawang sahod ng private sector employees.

 

 

Sa House Bill (HB) No. 7871 ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list Representative at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, inihirit nito na mabigyan ng P150 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

 

 

“Workers can no longer afford to wait for the regional wage boards to act. Since late last year, TUCP was already calling on the wage boards to address the steady decline in the real value of wages due to surging inflation but TUCP’s call fell on deaf ears. Unfortunately, it seems that workers will be left with an empty bag as the wage boardsare taking their sweet time in the face of ­increasing hunger,” ayon kay Mendoza.

 

 

“The TUCP also ­recommended win-win policy solutions for workers and emplo­yers, such as the provision by employers to their workers of cost-of-living allowances that could be used as a tax credit by the business ­owners, or a one-time, big-time P5,000 subsidy from government for minimum and near-minimum wage earners”, ani Mendoza.

 

 

Gayunman, ayon sa solon tinanggihan ng mga economic mana­gers ang nasabing o­psiyon na kung tutuusin niya ay ‘survival crisis’ para sa milyong mga manggagawa  na nagbunsod aniya sa TUCP para ihain ang nasabing panukalang batas.

 

 

Binigyang diin ng mambabatas na lubhang kinakailangan na ang pagsasabatas sa umento sa sahod sa pribadong sektor sa gitna na rin ng tumataas na presyo ng pagkain, petrolyo at maging sa bayarin.

Other News
  • Opening ng WNBL, NBL pag-aaralan pa – Mercado

    IPINASYA ng Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) na ipagpaliban muna ang planong 2021 season opening pagkatapos ng Holy Week.     Sa pahayag ng dalawang liga nitong isang araw lang, ipapalabas na lang ang bagong petsa  sa pagbubukas nito para na rin sa kaligtasan mula ng lahat sanhi nang pagtaas […]

  • Nasawi dahil sa bagyong Odette, umakyat na sa 208 – PNP

    Umakyat na sa 208 ang mga napaulat na bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng typhoon Odette.     Batay ito sa consolidated report ng Philippine National Police Operation Center (PNP-OC) na ibinahagi ni PNP Spokesperson Col. Roderick Alba.     Pinakamaraming nasawi sa Central Visayas na may 129.     Sinundan ng CARAGA […]

  • Pagtatayo ng PCOO Academy, sisimulan ngayong Setyembre-Andanar

    SA WAKAS, magsisimula na ang pagtatayo ng Government Strategic Communications Academy (GSCA) ngayong buwan ng Setyembre.   Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na ang proyektong ito ay magkakaroon ng “breaking ground” ngayong buwan sa loob ng compound ng Northern Bukidnon State College (NBSC) sa Manolo Fortich, Bukidnon. […]