P16-M fund, handa para sa pagpapa-uwi ng mga Filipino mula Gaza
- Published on November 11, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nais nang lisanin ang Gaza Strip na may USD297,746 (P16 million) repatriation fund ang naka-standby para i-cover ang huling Filipino na magdedesisyon na magbalik-Pilipinas.
Sa ngayon, nakasara ang Rafah border crossing dahil sa “security reasons.”
“The embassy has a standby fund of USD297,746 for local transportation, accommodation in Cairo, flight tickets and welfare assistance — that is for 150 persons,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega sa isang panayam.
Ani De Vega, mayroon pang 69 Filipino ang nagdesisyon na iwanan ang nakubkob na strip at naghihintay ng signal para makalabas.
Tinatayang may kabuuang 137 Filipino sa Gaza Strip nang magsimula ang bakbakan sa pagitan ng Israel-Hamas matapos ang sorpresang pag-atake sa katimugang bahagi ng Israel noong Oktubre 7.
Sa kabilang dako, may dalawang Filipino medical workers ang tumawid sa Rafah border noong nakaraang linggo kasunod ng 40 na iba pa. Lahat sila ay nasa Cairo.
Samantala, sinabi naman ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago na ang situwasyon sa ground ay ” remains fluid as the border opening would depend on the security of the area.”
Subalit sinabi nito na ang mga opisyal mula sa Philippine Embassy sa Cairo ay naka-standby at naka-monitor sa sitwasyon sa Egyptian side ng border crossing.
“My colleagues are there, they were at the border the whole time but there is no signal between us (in Cairo) and them. When they left they did report that nobody was able to cross,” dagdag na pahayag ni Tago.
“We cannot expect that something would be set in stone, that it will be regular, it’s really a very fluid situation,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
100 FILIPINO NURSES, WANTED SA 2 KLINIKA SA MARRAKECH
NAGHAHANAP ng 100 Filipino nurses ang dalawang klinika sa Marrakech , ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Moroccan capital city. Sinabi ni Labor Attaché Dominador Salanga na ang POLO ay nagpadala ng dalawang memo na humihiling sa Philippine Overseas Employment Administration na maglaan ng mga slots para sa estado ng North […]
-
Bulacan, walang community transmission ng UK, South African variants
LUNGSOD NG MALOLOS– Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na sa ngayon ay wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng Bulacan ng anumang COVID-19 variant partikular na ng UK at South African variant. Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na […]
-
Dagdag kontribusyon idinepensa ng PhilHealth
IDINEPENSA ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang isinusulong nilang mas mataas na kontribusyon para sa kanilang mga miyembro at sinabing kinakailangan ito para sa kanilang plano na palawakin pa ang kanilang coverage. Ayon kay PhilHealth CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa ilalim ng kanilang planong expansion of coverage, hindi na kakailanganin pa ng […]