• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P17.4 million kontribusyon ng OFWs ibinulsa

Aabot sa P17.4 milyong halaga ng PhilHealth premiums o kontribusyon na kinolekta sa mga overseas Filipino workers ang ibinulsa umano ng “sindikato” sa Philippine Health Insurance Corporation.

 

Ayon kay Ken Sarmiento, dating Senior Auditing Specialist ng PhilHealth, na noong nakatalaga pa siya sa Operations Office ng PhilHealth sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nabuking niya na aabot sa P17,416,800 milyong premiums ang kuwestiyonable.

 

Aniya, ang mga resibong ibinigay sa mga nagbayad na OFWs ay peke kung saan ang mga ginamit na serial number sa mga resibo ay nagamit na sa mga lehitimong transaksyon.

 

Ang unang pekeng resibo ay naiulat noong Setyembre 2015 sa OFW na si Rey Calongcong kung saan hindi nairemit ang P2,400 na binayaran ni-tong premiums na dapat ay inisyu sa IEXCEL Manpower Corporation. Nasa 168 pang resibo ng nasabing manpower corporation ang lumitaw na pineke rin.

 

Samantala noong Setyembre 2018 ay inireport din ng ahensya ang 224 pang mga pinekeng resibo bukod pa sa hinihinalang 868 kaso ng mga peke rin na puro zerox copy at hindi orihinal.

 

“We learned that 7,257 OFWs hindi napaghulugan ng premiums… Hindi po natanggap ng PhilHealth ‘yung premiums nila,” sabi ni Sarmiento.

 

“Mayroon po talagang sindikato,” dagdag niya.

 

“Mayroon pong nagre-recruit sa kanila para i-distribute ‘yung fake receipts sa OFWs at ‘yung hatian, out of the P2,400, P900 ‘yung mapupunta sa marketer na gumagawa ng fake receipts. ‘Yung liaison officer, they receive P1,500. We know who they are and we know more or less ‘yung structure nila,” sabi pa niya.

 

Nang ipaabot niya ang isyu sa Regional Director ng PhilHealth ay na-demote siya sa trabaho at inilipat ng posisyon sa Overseas Filipino Workers Affairs. (Ara Romero)

Other News
  • Ex-child star na si Hopia, excited masolo sa bakasyon ang BF ngayong engaged na

    Hindi akalain ni Katrina Legaspi o nakilala noon bilang si “Hopia,” na maiisip ng kanyang longtime boyfriend na alukin na siya ng kasal.   Nitong weekend nang ibahagi ng dating child star at ngayo’y 26-year-old na, ang pagbigay nito sa matamis na “oo” sa marriage proposal ng kanyang boyfriend of six years.   Ayon kay […]

  • Posibleng nakabalik na ngayon ng Pilipinas: KRIS, tuloy ang laban sa sakit at bawal sumuko

    ANYTIME today or tomorrow ay nakabalik na ng bansa si Kris Aquino.  Inihayag nga ni Kris na babalik na siya ng Pilipinas, at nagbigay rin ng update sa kanyang health condition.   Makikita sa kanyang Instagram post ang flag ng Amerika, isang emoji ng eroplano, at watawat ng Pilipinas.   May mahabang caption ito ng… […]

  • National ID kikilalanin na sa lahat ng transaksyon

    NILAGDAAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katiba­yan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo.     Sinabi […]